Jennylyn Mercado, muling binubuo ang pamilya

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, muling binubuo ang pamilya

MULING nakasama ni Jennylyn Mercado ang kanyang tunay na ama nitong nakaraang Holy Week break.

ADVERTISING
Jennylyn Mercado, muling binubuo ang pamilya
Jennylyn Mercado with her biological father Noli Pineda and rumored boyfriend Dennis Trillo

Kasalukuyang nagbabakasyon si Jennylyn sa South Korea, kung saan naninirahan ang kanyang ama na si Noli Pineda.

Kamakailan ay sinabi ng aktres na susunduin na niya ang ama, na matagal nang naka-base sa South Korea, upang manirahan na sa Pilipinas. Napagkasunduan na raw ng mag-ama na sa Pilipinas na maninirahan si Noli, kasama ng buong pamilya ni Jennylyn.

Noong naghiwalay raw ang tunay na mga magulang ni Jennylyn, lumipad papuntang South Korea ang ama nito, at ang ina naman nitong si Jinkee ay nagtrabaho bilang domestic helper sa Dubai.

ADVERTISING

Kaya ang noo’y anim na buwan pa lamang na si Jennylyn ay naiwan sa kinagisnan niyang mga magulang.

Lumaki si Jennylyn sa kaniyang tito at tita na sina Roger at Lydia Mercado.

Sa kasamaang palad, apat na araw matapos isilang ni Jennylyn ang kanyang anak kay Patrick Garcia, sumakabilang buhay ang kanyang kinilalang ama.

Ang kinilala niya namang ina na si Mommy Lydia ay pumanaw na rin noong nakaraang Oktubre, sa edad na 74, dahil sa sakit na sepsis.

Ito na raw ang isa sa pinakamasayang Holy Week ng actress pagkatapos makita at muling makasama ang tunay niyang ama. Pak!

ADVERTISING