Jennylyn Mercado, masaya na pagpapakasal ni Patrick sa non-showbiz GF

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, masaya na pagpapakasal ni Patrick sa non-showbiz GF

Jennlyn-Mercado-Patrick-GarciaOKAY NA rin pala sina Jennylyn Mercado at si Patrick Garcia. Nadulas si Jennylyn na nasabi niya sa Startalk na nagkausap sila ni Patrick.

Ayaw na lang niyang idetalye, basta okay raw sila at wala raw silang problema.

Kaya masaya siya para kay Patrick na magpapakasal na sa kanyang non-showbiz girlfriend pagkatapos mag-propose ng aktor.

Nagkakilala na raw sina Jennylyn ng babaeng papakasalan ni Patrick at mabait daw ito sa kanya.

ADVERTISING

Kung sakaling hilingin ni Patrick na mag-ring bearer o maging part ng wedding ceremony ang anak nilang si Alex Jazz, hindi naman daw niya ito ipagkakait.

Sabi ni Jennylyn, malaki raw ang bahagi ni Patrick sa buhay ng kanilang anak, kaya okay lang daw sa kanya.

Baka nga a-attend pa si Jennylyn kung sakaling maimbitan ito sa kasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING