Jennylyn Mercado, magko-concert din sa Araneta

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, magko-concert din sa Araneta

Jennylyn-MercadoBAKA NAKAKALIMUTAN ng publiko na si Jennylyn Mercado ay singer bukod sa kilala as a prime actress ng GMA 7.

Sa kaliwa’t kanan niyang shows sa Kapuso Network at ang latest ay itong Rhodora X, first and foremost, singer siya bukod sa pagiging artista.

Hindi man siguro siya kasing galing nina Regine Velasquez or Lani Misalucha na biritera, she can sing. Hindi sintunado. May timing, may tono. She’s a singer.

Kaya nga sa 10th anniversary niya sa showbiz come Sunday, ilo-launch ang kanyang bagong album from GMA Records sa Sunday All Stars na may 10 songs at kabilang na nga rito ang theme song ng kanyang teleserye na “Kahit Sandali” (from Rhodora X) at ang upcoming theme song ng ng rerun ng Korean telenovela na Jewel in the Palace na “Abot Langit”.

ADVERTISING

Tonight ay trip-trip concert ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum na as far as I know na pati SRO tickets ay bumibenta pa rin, laugh trip at enjoy lang ang panonood kay Anne.

But hindi lang si Anne ang may K na mag-perfom sa “The Big Dome” dahil si Jennylyn ay tatapatan din niya ng concert in the same venue on October 10.

Kung si Anne ay prime artist ng Kapamilya Network at si Jennylyn naman ay primera artista ng Kapuso Network who knows how to sing and may tono, p’wede na ba sabihin na may mabubuong intriga sa dalawa?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING