Jennylyn Mercado, madalas tumambay sa harap ng bahay ni Gerald Anderson?!

HINDI NAMIN GUSTO ang naririnig naming tsismis ngayon tungkol kay Jennylyn Mercado.

Ewan kung totoo ang nakarating sa aming tsika, pero sa tingin namin, kung trulili ang balitang ito, parang hindi naman kagandahan.

Ang tsika kasi, madalas daw na tumatapat si Jennylyn Mercado sa bahay ni Gerald Anderson pagkatapos mag-jogging. Halos araw-araw raw ay nagdya-jogging ang hitad at almost everyday rin daw itong tumatapat sa housing galore ng dyowa ni Kim Chiu.

Hindi namin alam kung nasa iisang subdivision sina Jennylyn at Gerald. Aalamin pa namin ito.

Anyway, baka naman nagkataon lang na napapahinto si Jen sa mismong bahay ni Gerald. Or, baka hindi naman talaga niya knowing na iyon ang balaysung ng aktor.

Anyway, bongga pa rin naman ang lovelife ni Jen. Patuloy pa rin naman daw ang relasyones New York niya sa isang DJ. Of course, until now ay hindi pa inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Ang nakapagtataka para sa amin ay ang matagal na niyang pina-press release na coffee table book. Ano na ba ang nangyari rito? Totoo bang kinapos siya sa pondo kaya hindi naipalabas ang kanyang book? Si Jen naman kasi, masyadong ambisyosa. Kung hindi kaya, huwag pilitin.

[ad#ad-text-links-1]

BONGGA ANG JAGUAR sports car na iniregalo ni Tonyboy Cojuangco kay Gretchen Barretto. Si Greta pa mismo ang nag-drive nito nang magpunta ito sa ABS-CBN para sa pictorial niya for Metro magazine.

Second Jaguar na pala ito ni Greta. The first one was given also by Tonyboy a few years ago.

Anyway, bongga rin ang pagbabalik sa telebisyon ni Gretchen. Ang role kasi niya sa soap opera with Derek Ramsay at Bea Alonzo ay isang modelo. With this, irarampa ni Gretchen ang lahat ng kanyang mamahaling damit at bonggang alahas sa show.Fashionistang-fashionista ang La Greta sa show na ito ng Dos.

Ang balita namin, kahon-kahong designer clothes ang pinamili ni Gretchen nang magpunta sila ni Tonyboy at Dominique sa Hong Kong recently para mag-celebrate ng kanilang 16th anniversary as a couple. Shop to death daw ang hitad para sa mga kakailanganin niyang mga damit, accessories at shoes sa kanyang taping.

I’m sure, irarampa rin ni Gretchen ang kanyang designer bags once na mag-umpisa na siyang mag-taping. Gretchen owns the most expensive bags at sa dami ng kanyang koleksiyon, tiyak na mamamangha maging ang kapwa niya artista. Ha-ha-ha!

Noong mag-pictorial nga siya para sa nasabing magazine noong isang araw, isang Hermes bag na nagkakahalaga ng P2.5 million ang bitbit ng aktres.

I’m sure, dala-dala rin ni Gretchen ang kanyang customized bus na ginamit niya noong mag-host siya ng game show sa TV5. Ayaw kasing gamitin ni La Greta ang dressing room ng Singko kaya nagpabili siya ng sariling bus kay Tonyboy.

Long before magpa-customize si Kris Aquino ng bus ay meron na si La Greta, ‘no! Gaya-gaya lang si Kristeta, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleAalis na rin sa Dos: Ruffa Gutierrez, pumirma na ng kontrata sa Singko?!
Next articleJohn Lloyd Cruz, ipinagtanggol si Shaina Magdayao!

No posts to display