Jennylyn Mercado kay Mark Herras pa rin ang bagsak

ADVERTISING

Jennylyn Mercado kay Mark Herras pa rin ang bagsak

Jennylyn-Mercado-Mark-HerrasIN FAIRNESS, ang laki nga nang ipinayat ni Jennylyn Mercado nang nakatsikahan namin sa presscon ng Belo Medical Group kahapon.

Siya na rin ang nag-endorse ng Laser Lipo Arms, kaya ang payat payat ng braso niya, kasabay ng ganda ng katawan niya.

Bukod sa napaka-athletic ng Kapuso actress, kailangan pa rin niyang sundan ng laser lipo para ma-maintain ang payat at ganda ng katawan.

Sabi ko nga, sino naman ang pagagandahan niya ng katawan eh, wala naman siyang pinaglalaanan ng ganda ng katawan niya.

ADVERTISING

Pero tingin ko may ka-date na ‘yan eh. Ayaw lang muna niyang magsalita dahil mas gusto raw niyang tahimik na lang.

Ayaw na rin niyang magkomento tungkol kina Luis Manzano at Angel Locsin dahil mas masaya na raw siya ngayon at hayaan na rin sila dahil mukhang masaya naman ang dalawa.

Hay, naku! Ang tingin ko riyan, kay Mark Herras pa rin ang bagsak ni Jennylyn.

Kinikilig naman siya kapag si Mark ang napag-uusapan at ganu’n din naman ‘yan alaga ko, huh!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING