Jennylyn Mercado, kapiraso lang ang suot na rarampa sa FHM Victory Party

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, kapiraso lang ang suot na rarampa sa FHM Victory Party

Jennylyn-MercadoINAABANGAN NA ng karamihan itong FHM party na gaganapin sa SMX MOA sa darating na Sabado.

ADVERTISING

Pinaghandaan ito nang husto ni Jennylyn Mercado dahil first time niyang dadalo sa FHM party kahit ilang beses siyang napabilang sa Top 10 Sexiest Pinay.

Ang sabi niya nu’ng nakausap siya ng Startalk, kakaririn daw niya ang pagrampa niya at papraktisin daw niya nang husto dahil hindi pa naman daw siyang marunong maglakad. Isa pa ito sa pag-aaralan niya, ang rumampa sa napakaraming tao.

Nakarampa na rin noon si Jennylyn na naka-underwear nu’n sa Bench, pero iba raw itong sa FHM kaya dapat hindi raw madismaya ang mga fans at ang bumoto sa kanya.

ADVERTISING

Sabi nga niya sa Startalk, kapiraso lang daw ang isusuot niya sa FHM kaya i-praktis din daw niya ito nang husto dahil baka magkaroon pa raw ng wardrobe malfunction, mahirap na.

Iyon daw ang pakakaingatan niya nang husto dahil baka mamaya matanggal pa ‘yun, maloloka siya, ‘day!

Anyway, abangan n’yo na lang sa Startalk ang feature namin kay Jennylyn sa FHM.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING