Jennylyn Mercado, kabado pero excited na makatrabaho si Gov. Vilma Santos!

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, kabado pero excited na makatrabaho si Gov. Vilma Santos!

Jennylyn Mercado, kabado pero excited na makatrabaho si Gov. Vilma Santos!KUNG TSAKA ang Valentine’s Day ni Dra. Vicki Belo, bongga naman at masaya ang paborito kong lovers na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Medyo na-late lang daw sila sa dinner nila sa isang resto sa Maynila, kasi galing pa nga si Dingdong sa guesting nito sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Pero masaya raw sila dahil nagkaroon ng konting kuwentuhan na silang dalawa lang talaga.

Doon ibinigay ni Dingdong ang Valentine’s gift niya kay Marian, pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ‘yun. Wala na nga raw silang mahihiling pa dahil maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Kaya naman relax lang si Marian at hindi na nasasangkot sa kung anu-anong away at intriga.

Ang isa pang ikinatuwa ni Dingdong ay ang pagkasali kay Marian sa 10 International Beauties. Pang-siyam yata si Marian, pero sabi nga ni Dingdong siyempre number one sa kanya ang aktres.

ADVERTISING

Bagay na bagay nga sila dahil napasama rin si Dingdong sa 10 sexiest man in the world at ngayon si Marian naman sa international beauties. Ang ganda-ganda nila, ‘di ba?

MASAYA RIN at very positive ang dating ng relasyong Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Hindi naman daw totoong engaged na sila, pero inaamin naman niyang seryoso na ang kanilang relasyon.

Pero hindi pa raw talaga pinag-uusapan ang kasal, kaya nagugulat na lang sila bakit patuloy pa ring lumalabas ang ganu’ng kuwento. Kung si Jennylyn ang masusunod, sana nga raw si Luis na ang makakasama niya habambuhay. Pero masyadong maaga pa raw para pag-usapan ang kasal.

Pero malaki raw ang ibinago ni Luis sa kanya, at ganu’n din naman ang huli. Kaya suportado naman ito ni Gov. Vilma Santos dahil nakikita niyang masaya ang kanyang anak kay Jennylyn.

Sa Batangas pala magti-taping ang Manny, Many Prizes ngayong linggo at kasama roon si Jennylyn. Special guest co-host daw nila si Gov. Vi kaya excited si Jennylyn na makakasama ang ina ng love niya siyempre.

Medyo may konting kaba raw, pero mas excited dahil ngayon pa lang daw sila magkakasama sa trabaho.

Naku! Abangan natin ‘yan!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING