Jennylyn Mercado, itinangging siya ang ka-holding hands ni Dennis Trillo sa Greenhills

Jennylyn Mercado, itinangging siya ang ka-holding hands ni Dennis Trillo sa Greenhills

Jennylyn-MercadoAYAN! IDINI-DENY ni Jennylyn Mercado ‘yung kumalat na litrato ni Dennis Trillo na my ka-holding hands na girl sa may Starbucks Greenhills.

Sabi ni Jennylyn, hindi raw siya ‘yun. Tinanong nga raw niya si Dennis kung sino ‘yun dahil hindi raw siya talaga ‘yun.

Nakatalikod kasi, kaya itinatanggi niyang siya ‘yun.

Sabi nga niya, hindi naman daw nakaharap para malaman kung sino nga talaga ‘yun.

“Napagbintang pa tuloy ako, pambihira naman,” bulalas ni Jennylyn nang na-interview ito ng Startalk sa pictorial ng bagong endorsement niya na MySlim.

Paulit-ulit na sinasabi ni Jennylyn na wala raw talaga sila ni Dennis. Lumalabas daw sila minsan, pero grupo naman daw sila dahil sumasama raw ito minsan sa team nila sa Triathlon.

Kaya huwag na raw sana silang intrigahin.

Lalo pa silang ma-intriga niyan ‘pag magsama na sila sa bagong drama series ng GMA 7 na My Faithful Husband.

Kinumpirma na ni Jennylyn na sila na nga ang magsasama sa bagong seryeng ‘yun. Kaya malay natin, baka doon na sila umamin ‘nyan.

Umalis na pala nu’ng kamakalawa ng gabi si Jennylyn patungong Amerika para i-shoot ang bagong pelikula niya sa Regal na Prenup.

Si Sam Milby ang ka-partner niya rito at nag-enjoy Raw siya kay Sam dahil wala raw itong ginagawa kundi magpakain nang magpakain sa kanila.

Galante pala itong si Sam? Maharbatan na nga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis