Jennylyn Mercado, itinangging kasama si Dennis Trillo sa pagbabakasyon!

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, itinangging kasama si Dennis Trillo sa pagbabakasyon!NALOKA SI JENNYLYN Mercado nang nakatanggap ng text sa amin nu’ng nakaraang Biyernes Santo kung totoong magkasama sila ni Dennis Trillo na nagbabakasyon sa Cebu.

“Sa Plantation Bay po ako, kasama ko pamilya ko. Puwede n’yong i-check dito kung may Dennis Trillo rito,” text back sa amin ni Jennylyn.

Nagtataka lang daw siya kung bakit hindi matapus-tapos ang intriga sa kanila ni Dennis gayung wala namang namamagitan sa kanilang dalawa.

Naging close lang daw sila ni Dennis dahil magkasama sila sa Gumapang Ka sa Lusak, pero hanggang friendship lang daw talaga.

Pero may mga ilang namamalisyahan sa closeness nila lalo na’t may nakarinig minsan na sinabihan daw ni Jennylyn ang anak niyang si Alex Jazz na malapit na itong magka-Daddy. Akala ng mga malisyosang nakarinig, si Dennis na ang tinutukoy nito.

ADVERTISING

Pero consistent ang sagot ng dalawa na okay sila as friends, pero ang mga tsismis na magkasama sila ay hindi raw totoo.

Bago mag-Holy Week ay may nakakita ring magkasamang nanonood ng basketball sa San Juan Sports Arena sina Dennis at Jennylyn pero sey naman ng huli, hindi lang daw sila ni Dennis ang nandoon, kundi ang iba pang cast ng Gumapang Ka sa Lusak dahil nag-perform daw sila roon.

“Naku, ewan ko ba! Bakit ayaw kaming tigilan ng mga ganu’ng isyu,” dagdag pang text sa amin ng young actress.

Pero sa totoo lang, kung sakaling magkadebelopan silang dalawa, wala naman sigurong masama dahil hindi naman daw committed si Jennylyn sa iba. Ewan ko lang kung sina Dennis at Cristine Reyes pa rin dahil nakikita rin silang magkasama at sweet nu’ng nakaraang birthday party ng huli.

MULING NAGKITA SINA Katrina Halili at Hayden Kho kahapon ng umaga sa Pasig-RTC dahil sa simula na ng trial ng kasong Rep. Act 9262 na isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

Si Katrina ang unang isinalang bilang witness at umabot ng halos tatlong oras ang hearing dahil pinanood pa ng judge ang sex video na ‘yun.

Nilinaw lang ng abugado ni Katrina na ang kasong dinidinig ay ang Rep. Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Children), kung saan nagkaroon ng Psychological Violence kay Katrina dahil sa pag-video sa sexual act nila ni Hayden nang hindi alam ni Katrina.

Matindi ang balitaktakan ng abugado ng dalawang kampo kaya tumagal ang hearing at hindi pa ito natapos.

Sa April 19 ipagpapatuloy ang susunod na hearing, kung saan itutuloy ang direct examination kay Katrina. Depende pa ‘yun kung matatapos agad para itutuloy na sa cross-examination ng abugado ni Hayden kay Katrina.

Kaya mahaba-haba pa ang tatakbuhin nito at mapapadalas ang pagkikita nina Katrina at Hayden sa korte.

Pahayag naman ni Katrina, wala naman daw siyang nararamdaman nang nakita muli si Hayden. Bumabalik lang daw ang sakit nito nang muling pinanood ang sex video nila ni Hayden.

Abangan ang buong detalye ng kuwentong ito sa Startalk.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING