Jennylyn Mercado is lucky with Luis Manzano… if ever!

ADVERTISING

Jennylyn Mercado is lucky with Luis Manzano… if ever!

Jennylyn Mercado is lucky with Luis Manzano… if ever!UMUUGONG ANG BALITANG after ni Dennis Trillo, si Luis Manzano naman ang bagong apple of the eye ni Jennylyn Mercado. Ang usap-usapan, depress na raw si Luis na magkabalikan sila ni Angel Locsin kung kayat ibinaling na lang nito ang pag-ibig sa ina ng anak ni Patrick Garcia.

ADVERTISING

“Alam n’yo naman, ‘di ba? Sinabi ko na kapag ganyang mga personal na bagay ang itatanong n’yo sa akin, e, hindi ko sasagutin. Kasi ipinangako ko sa a-king sarili na ilalayo ko ang personal kong buhay dito sa trabaho.” Pag-iwas ni Luis sa isyu na nagsabing ang pagi-ging bukas niya sa lahat ng usapin maging sa pribado ay hindi nagdudulot ng maganda sa personal niyang buhay. “Maraming bagay-bagay na kung minsan ay hindi dapat pag-usapan sa publiko.”

Samantala, tinitiyak naman ng aming source na walang katotohanan ang balitang sina Jennylyn at Luis na ngayon. “’Yun ang imposibleng mangyari dahil up to now, si Angel pa rin ang mahal ni Luis.”

Ayon pa rin sa aming source, minsan daw ay nagkikita sina Jennylyn at ilan nilang kaibigan, pero hanggang du’n lang daw iyon at walang ligawang nangyayari.

ADVERTISING

Sa kabilang banda, hindi naman daw magiging tutol si Vilma Santos kung sakaling ni-liligawan nga ni Luis si Jennylyn, dahil never naman daw nakialam at makikialam ang Star For All Season sa lovelife ng kanyang anak.

“Si Ate Vi, hindi boto kay Jennylyn kung sakali? ‘Yun ang hindi mangyayari dahil kahit kelan hindi ito nakialam sa personal na buhay ni Luis. Kung saan masaya si Luis, du’n si Ate Vi. ‘Di ba madalas naman niyang sinasabing kung sino ang mahal ng kanyang anak, mahal din niya?”

Hindi rin naman daw ganap na nasaktan si Jennylyn sa paghihiwalay nila ni Dennis dahil higit na mas may future ang aktres kay Luis, kumpara sa dati nitong boyfriend.

“Well kung totoong nililigawan ni Luis si Jennylyn, suwerte si Jennylyn ha? Mabait at matalino si Luis, bukod pa sa binatang-binata ito at wala pang anak,” tumatawang pag-wawakas ng aming source.

 

HANGGANG NGAYON, IWAS si Rhian Ramos na pag-usapan ang break-up nila ni DJ Mo Twister. Obvious na takot pag-usapan ng dalaga ang mga na-ging pahayag noon ng TV host, kung saan ay madalas pala silang nagtse-check-in sa hotel. “Shock si Rhian siyempre, dahil very personal ‘yung mga sinabi ni DJ Mo. Nu’ng una, magre-react sana si Rhian, pero later on, na-realize yata niyang kapag nag-react siya at nagsalita, baka lalong lumaki ang issue kaya mas pinili niyang manahimik na lang.”

Ayon pa rin sa aming source, since nagbigay komento si DJ Mo sa paghihiwalay nila ni Rhian, binura na raw ng dalaga ang number ng host ng Paparazzi sa list ng kanyang phonebook.

“Siyempre kahit sinong babae hindi matutuwa kapag ‘yung dating boyfriend mo ay nagkuwento ng kung anu-ano. Honestly, galit si Rhian pero hindi na lang niya papatulan ang issue dahil alam niyang hindi ito makakatulong sa kanyang career.”

May nagkuwento sa amin, after daw nagsalita ni DJ Mo, agad itong nag-text at tumawag kay Rhian pero deadma raw sa dalaga ang effort ng TV host.

“Kahit sinong babae hindi matutuwa kung ganu’n ang gagawin sa iyo ng isang lalaking pinagkatiwalaan mo ng iyong buhay. Kaya imposibleng magkabalikan pa sina Rhian at DJ Mo. Oo, mapapatawad ni Rhian si DJ Mo, pero ang magkabalikan, imposibleng implosible na iyan,” pagwawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING