Jennylyn Mercado, iritang-irita sa pagli-link sa kanila ni Benjamin Alves

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, iritang-irita sa pagli-link sa kanila ni Benjamin Alves

Jennylyn-MercadoIRITANG-IRITA NA si Jennylyn Mercado sa pagli-link sa kanila ni Benjamin Alves. Ayon kasi kay Jen, ipinagpipilitan daw kasi na may namamagitan na sa kanila ng kapwa Kapuso Star, samantalang wala naman daw talaga.

Lagi naman niyang sinasabi na hindi nanliligaw si Benjamin at hindi sila masyadong close. Nagkikita lang daw sila sa training niya sa triathlon dahil magkasama sila sa team at hanggang batian lang daw sila.

Sabi pa ni Jen, kapag mayroon naman daw kaganapan sa kanyang personal life ay hindi niya ito itinatago. Sa ngayon ay wala raw talaga siyang panahon muling umibig. Kung anuman daw ang natitirang oras niya sa araw-araw na mga showbiz commitment, ginugugol niya ito sa pamamahinga at bonding sa anak na si Alex Jazz at sa inang si Mommy Lydia.

May plano nga siyang magbakasyon ng dalawang Linggo sa July. Pupunta silang mag-ina kasama ang kanyang mommy sa United Kingdom. ‘Yun na rin daw bale ang birthday gift niya sa kanyang kaarawan.

ADVERTISING

 

KAHIT NA anong intrigang ibinabato kay Senator Bong Revilla, hindi niya pinababayaang maglaan ng araw para sa taping ng Kap’s Amazing Stories na napapanood every Sunday sa GMA 7.

Ayon kay Senator, magmula nang pasukin niya ang showbiz at politics ay hindi naman daw nawawala ang intriga, lalo’t nakapaglilingkod ka talaga sa kapwa.

Sa isyung isinasangkot sa pork barrel scam, tanggap na raw niya kung anuman ang maging desisyon ng Sandinganbayan. Nakahanda na rin siyang makulong kung ‘yun daw ang gustong mangyari ng mga taong gusto siyang sirain.

Going back sa kanyang TV show na Kap’s Amazing Stories, sinabi ni Senator Bong, hindi niya talaga puwedeng pabayaan ang show dahil nakapagbibigay ito ng aral sa lahat, lalo na sa mga mag-aaral.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING