Jennylyn Mercado, inisnab ng Star Awards

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, inisnab ng Star Awards

Jennylyn-MercadoPOOR JENNYLYN Mercado and Marian Rivera, inisnab ang mga beauty nila sa Star Awards for TV.

Habang nominated ang halos lahat yata ng primetime leading ladies ng Dos, dalawa lang ang nakapasok na Kapuso stars, sina Maricel Soriano at Lovi Poe for Ang Dalawang Mrs. Real. Out sina Marian at Jennylyn sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Bakit kaya tsinugi sa nomination sina Marian at Jen? Hindi ba nila deserving ang ma-nominate man lang?

Nagwawala nga ang fans ni Jennylyn dahil hindi na-nominate ang idol nila para sa Rhodora X soap nito.

ADVERTISING

Hyped na hyped ang best actress nomination nina Maja Salvador and Angel Locsin. Siguradong isa sa kanila ang mag-uuwi ng best actress trophy.

Biased nga ba ang Star Awards? Bakit ba laging lamang ang Kapamilya shows and stars come nomination night? Any explanation?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING