Jennylyn Mercado, inaming kasama si Luis Manzano na nagbakasyon sa Hong Kong!

Jennylyn Mercado, inaming kasama si Luis Manzano na nagbakasyon sa Hong Kong!

Jennylyn Mercado, inaming kasama si Luis Manzano na nagbakasyon sa Hong Kong!SINAGOT NAMAN NI Jennylyn Mercado sa Startalk ang isyung magkasama sila ni Luis Manzano sa Hong kong nu’ng nakaraang linggo.

Pero sabi ni Jennylyn, hindi raw nila pinag-usapan na magkasama silang magbakasyon doon. Nagkataon lang daw na magkasabay ang pagpunta nila roon at napag-usapan na ring magkita sila roon. Nag-dinner daw sila roon, pero marami raw sila, kasama ang kanilang mga kaibigan.

Sa ngayon, wala naman daw si-lang commitment pa ni Luis at ma-buting ganu’n na lang daw muna sila dahil ayaw pa raw niya talagang ma-involve pa uli.

“Hindi pa ako ready ulit. Siyempre hindi naman ganu’n kadali ang mag-move on. Pero ngayon, nandu’n ako sa stage na kailangan ko rin talagang mag-move on kahit na ang dami naming pinagdaanan.

“Pero kailangan talagang dumating ‘yung point na ‘yun na kailangan mong mag-move on at kailangan mong buksan ‘yung bagong chapter ng buhay mo. Hindi naman forever na du’n ka lang, ‘di ba? Na forever ka lang malungkot at forever ka lang nagmumukmok, ‘di ba? So kailangan mo ring kahit papa’no ma-ging masaya,” pahayag ni Jennylyn sa Startalk.

In fairness pala kay Jennylyn, marami ang nakapansin na magaling pala siya sa hos-ting kaya tuluy-tuloy pa siya sa Showbiz Central. Isa rin siya sa mga host sa bagong talent search ng GMA-7 na Protégé.

 

KASI-CELEBRATE LANG NI Dingdong Dantes ng kanyang kaarawan nu’ng nakaraang Lunes at mga pamilya nito at siyempre si Marian Rivera ang kasama nito sa espesyal na araw na ‘yun.

Ang alam ko, sa farm ng tiyuhin nito sa Batangas sila nag-celebrate. Humabol doon si Marian galing sa taping ng Amaya at nagluto pa siya ng iba’t ibang putahe.

Talagang labor of love ‘yun dahil gustung-gusto kasi nila ang mga luto ni Marian, kaya kahit puyat-puyatan, talagang nagluto pa ito para sa kani-lang lahat.

Next week naman ay si Marian ang magbi-birthday at tiyak na meron ding sorpresa si Dingdong para sa aktres. Mas gusto na lang nila ngayon na sila lang ang magkasama sa mga ganu’ng espesyal na okasyon para hindi na magulo.

Happy birthday sa inyong dalawa na espesyal din sa akin, ‘di ba?

 

MAY BAGONG REGAL baby pala nga-yon si Mother Lily dahil pinapirma na niya ng kontrata si Edgar Allan Guzman pagkatapos itong nanalong best actor sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Na-impress si Mother sa performance ni Edgar Allan pagkatapos niyang panoorin ang pelikula nitong Ligo na U, Lapit na Me. Natuwa rin siya sa pelikula kaya siya na ang nag-distribute ng pelikula na magsu-showing na sa mga commercial theaters sa August 17.

Matagal na palang pangarap ni Edgar Allan na maging Regal Baby kaya malaki ang pasasa-lamat nito na natupad na rin.

Si Eugene Domingo ang isa sa type ni Edgar na makasama sa pelikulang gagawin niya sa Regal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis