Jennylyn Mercado, inaming ‘di na dinadalaw ni Patrick Garcia ang kanilang anak

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, inaming ‘di na dinadalaw ni Patrick Garcia ang kanilang anak

Jennylyn Mercado, inaming ‘di na dinadalaw ni Patrick Garcia ang kanilang anak

MALAKI  ANG pasasala-mat ni Jennylyn Mercado kay Dra. Vicki Belo dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng Belomed mula pa nu’ng nabuntis siya hanggang ngayon.

Sabi kasi ni Jennylyn, nu’ng kinuha siyang isa sa mga endorser, sobrang suportado na siya ng Belomed hanggang sa nabuntis siya, hindi siya iniwan kundi talagang sinuportahan pa rin siya.

Hindi pa sure nu’n si Jennylyn kung makabalik pa siya pagkatapos niyang manganak, hindi ito iniwan ni Dra. Belo kundi si-nuportahan pa rin nang husto at tinulungan na mabalik ang da-ting ganda ng katawan.

ADVERTISING

In fairness, nagawa ito ni Jennylyn sa tulong ng Belo kaya tuluy-tuloy na ito.

Ngayon ay may panibagong endorsement si Jennylyn sa Belomed na para sa skin care naman.

Nagpa-pictorial ito nu’ng kamakalawa lang at nagulat ang mga taga-Belomed sa kaseksihan ngayon ni Jennylyn.

Nakatulong pa raw kasi ang pagiging athletic niya kaya na-maintain ang ganda ng katawan at ang kinis ng balat na parang walang anak lang. Kaya tuwang-tuwa naman si Dra. Belo para kay Jennylyn.

Meron pa palang isang daring na pictorial si Jennylyn sa Bench dahil siya ang nadagdag na bagong endorser ng Bench Body kaya nagpa-pictorial siyang naka-underwear lang, at first time daw niya itong ginawa.

Bukod sa mga endorsements na ‘to, tuluy-tuloy ang trabaho ni Jennylyn sa GMA-7 na napa-karami niya palang shows, huh!

Bukod sa drama niyang Hindi Ka Na Mag-iisa, meron pa siyang hosting job sa Inside Protégé na nagsimula na nu’ng Lunes.

Sa August 5 naman ay magsisimula na siya sa Hot TV na papalit sa timeslot ng Showbiz Central. Tuloy rin ang pagiging singer niya sa Party Pilipinas at malapit na rin niyang i-launch ang bagong album niya sa Polyeast.

Bongga ha! Parang PR lang ako ni Jennylyn nito.

Pero abangan n’yo ang interview ng Startalk kay Jennylyn dahil napag-usapan dito ang tungkol kay Patrick Garcia na matagal na rin palang hindi nito nadadalaw ang anak nilang si Alex Jazz.

Ayaw ni Jennylyn na palakihin ito, pero natanong kasi sa kanya kaya sinagot naman niya at ayaw niyang magsinunga-ling.

Ayaw lang daw niyang magsimula ng panibagong intriga, kaya hindi na niya sinagot ang ilang pangungulit namin tungkol sa ‘di na pagpapakita ni Patrick sa kanilang anak.

 

ALIGAGA NGAYON ang karamihang mga artista rito sa Cinemalaya Film Festival na ‘to, huh!

Ang daming malalaking artistang involved sa mga pelikulang kalahok sa indie filmfest na ‘to kaya lagi silang nakikita sa CCP.

Kaya ang mga alaga ko parang type na ring gumawa ng indie film na isali sa Cinemalaya.

Ang isang interesadong magdirek ay si Paolo Contis. Type na type daw niyang sumali sa Cinemalaya as director kaya kinakausap na ang mga kaibigang artista na sumali sa kanya.

Sa Linggo na raw ang awarding ng Cinemalaya at malakas na pinag-uusapang hahakot ng awards itong Intoy Syokoy ng Kalye Marino na produced ni Boy Abunda siyempre!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING