Jennylyn Mercado, iiyak sa kasal ni Patrick Garcia

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, iiyak sa kasal ni Patrick Garcia

Jennylyn-MercadoMAGANDA ANG mga pahayag ni Jennylyn Mercado tungkol sa pagpapakasal ni Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend niyang si Nikka Martinez.

ADVERTISING

Suportado raw niya ito at masaya raw siya para sa dating boyfriend na ama ng kanyang anak.

Hindi nga raw niya mapigilang maiyak kung sakaling makikita raw niyang ikakasal na si Patrick.

Sabi niya, “Baka maiiyak ako sa tuwa.

ADVERTISING

“Kasi si Patrick naman, malaking part siya ng buhay ko. Anak niya si Jazz, nagkaroon kami ng anak.

“I think karapatan kong maging masaya para sa kanya, kasi ang tagal niyang hinintay ‘yan, ang dami niyang pinagdaanan. Ang dami na ring pinagdaanan ni Niks (tawag niya kay Nikka).”

Tiyak na dadalo raw siya dahil kinuha ni Patrick ang anak nilang si Alex Jazz na mag-ring bearer.

At least masaya na at okay na okay na raw sila ni Patrick pati ang pamilya nila.

Madalas nga raw dumadalaw sina Patrick sa kanila para makipag-bonding kay Alex Jazz.

Madalas daw silang nagkakausap ni Nikka at natutuwa raw siya dahil nakita na rin ni Patrick ang tamang babae para sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING