Jennylyn Mercado, iiwan ang anak sa mga kamag-anak

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, iiwan ang anak sa mga kamag-anak

Jennylyn-MercadoMAY SHOW si Jennylyn Mercado sa London sa September 13 and 14. First Time niyang makapunta roon kaya naman sobrang excited siya.

ADVERTISING

“Kasi, isa ‘yon sa mga gusto naming puntahan talaga ng nanay ko,” aniya. “Kaya after ng show namin, didiretso na kami para mag-ikot sa ilang parts ng Europe.

“Isa sa pupuntahan namin ay ang Paris sa France. At saka maonood din kami ng Miss Saigon. Actually, iti-text ko nga si Rachel Anne (Go na siyang gumaganap bilang Gigi sa nasabing musical play) bago kami umalis. Or tatawagan ko siya para masabi ko sa kanya ‘yong dates na nando’n ako. And ‘yon… makapag-communicate kaming dalawa.”

Nangiti si Jennylyn nang mabiro na mas masarap sanang mag-tour sa Europe kung may kasamang special someone.

ADVERTISING

“‘Yon nga, e,” sabay tawang reaksiyon niya. “Kaso… wala, e. Malungkot pero okey lang.”

Kasama naman daw niya si Mommy Lydia kaya happy na rin siya sa kanyang pagbiyahe abroad.

“Oo naman! Iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya, ‘di ba?” nangiting sabi pa nga ni Jennylyn. “Two weeks akong mawawala. Matagal-tagal din.”

First time siyang mawawalay nang gano’n katagal sa anak niyang si Jazz.

“Hindi kasi siya puwedeng sumama kasi may school siya, e. Hindi siya puwedeng mag-absent. Magpapaalam naman kami sa kanya. At saka sisiguraduhin ko rin na nando’n lahat ng mga kamag-anak namin sa bahay. Walang magdi-day off. ‘Yon lang talaga. Para lahat nakatutok sa kanya.”

Sunod na naikuwento ni Jennylyn ay ang tungkol sa bagong soap na ginagawa niya ngayon sa GMA.

“Nag-start na akong mag-shoot ng Second Chances with Raymart (Santiago), Luis Alandy, Rafael Rosell and Camille Pratts. Nagpopondo na kami, kasi nga aalis ako nang medyo matagal.

“Okey naman ‘yong taping namin. Si Raymart, ‘di ba nakatrabaho ko na siya dati sa Footbulilit? Tapos si Luis naman is a good friend of mine. And si Rafael… first time. Pero ano naman, comfortable na rin kami, kasi nagkasama-sama na kami sa workshop, ganyan. So, nagkaroon na rin kami ng time na makapag-bond. Tapos si Camille naman, siyempre para ko nang sister ‘yon.

“Aside from Second Chances, ‘yong cooking show ko na Sarap With Family Season 3, malapit na. And then ‘yong bagong album ko ngayong September, pagbalik ko… baka i-launch na. Na-delay lang. Kasi nagkaroon lang ng ilang pahabol na songs. But siguradong matutuloy ‘yon. Huwag kayong mag-alala.

“Tapos may pelikula rin kami ni Derek (Ramsay), ‘yong English Only Please. Entry siya sa Metro Manila Film Festival. Nag-start na rin kaming mag-shoot para rito. Nakaka-six days na kami.”

Ayaw pang sabihin ni Jennylyn kung anong magiging participation niya sa pagbabalik muli ng Starstruck talent search kung saan sila ni Mark Herras ang kauna-unahang winner?

“Basta. Abangan nila kung anong participation. Basta. Hindi ko puwedeng sabihin, e. Pero… malapit na ninyong mapanood.”

Sobrang nai-excite daw nga siya na ibinalik muli ng GMA ang Starstruck.

“Oo naman. Kasi matagal ding nawala, ‘di ba? No’ng nagsimula, tuluy-tuloy. Dire-diretso siya hanggang mga pang-ilang batch. Tapos nag-stop siya nang matagal. And then ngayon babalik ulit. Kaya exciting ito. At saka maraming mga bago. Maraming mga kailangang abangan.”

Sa mga isinasagawang auditions, talagang grabe ang pila ng mga nagbabaka-sakaling mapasali sa Starstruck.

“Ang dami ngang pumipila like ‘yong ginawang audition dito sa GMA. ‘Yong iba, the night before pa at talagang dito na nagpalipas ng magdamag.”

Ano ang gusto niyang sabihin sa mga ito?

“Ano lang… tiyaga. At galingan n’yo. Kasi bihirang-bihira ‘yong mga opportunity na dumarating sa buhay ninyo na mga ganitong klase. So, kailangan pagtuntong ninyo sa stage, pagtanong ng pangalan n’yo pa lang… bibo na.”

Alam n’yo na?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING