Jennylyn Mercado, hindi nababagay sa Kapamilya Network

Jennylyn Mercado, hindi nababagay sa Kapamilya Network

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Nakakatawa naman ang chikang lilipat na si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.

May message kasi siya recently sa kanyang  IG account which said, “Know your worth. Never settle for less than you deserve.”

Some people took it to mean that she’s taking a big leap to the Kapamilya Network lalo pa’t she’s very visible lately for the promotion of her movie with John Lloyd Cruz.

Ang chika, naimbiyerna na raw si Jen dahil hindi siya nabibigyan ng magandang projects sa Siyete.

We don’t believe that rumor. Mukhang happy naman si Jen sa Siyete, the number two network in the country.

Isa pa, hindi naman siya nababagay sa Dos. Marami nang artista ang Kapamilya Network at doon na lang siya mag-stay sa Kapuso network kung saan siya nababagay.

Ang pinakanaloka kami ay ang chikang sa kanya ibibigay ng Dos ang Darna movie kapag lumipat siya  sa Kapamilya Network.

No, that will not happen. Hindi bagay sa kanya ang Darna. No offense meant, ha, pero ‘wag ka na lumipat sa Dos. Nag-iisa ka na sa Siyete, wala kang kaagaw, maski si Marian Something ay walang binatbat sa ‘yo kaya mag-stay ka na lang diyan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas