Jennylyn Mercado, gusto nang ibaon sa limot si Luis Manzano

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, gusto nang ibaon sa limot si Luis Manzano

Jennylyn-Mercado-Luis-ManzanoSA SABADO pala ay lilipad si Jennylyn Mercado patungong Tacloban, Leyte dahil gusto na nitong dalawin ang mga kamag-anak niya roon.

ADVERTISING

May nagparating na sa kanila na safe na raw sila roon, pero wala silang makain at kailangan talaga nila ng tulong.

Kaya siya na raw mismo ang personal na pupunta roon para magpadala ng tulong.

Sa mother side pala ni Jennylyn ang mga kamag-anak niya roon at nagkakilala na sila nu’ng ginawa niya roon ang Extra Challenge.

ADVERTISING

Ang alam ko, may mga kaibigan pa si Jennylyn na nagbigay ng tulong kaya dadalhin ito roon ng aktres.

Balak nga rin daw niyang tumulong sa pagpapatayo ng bahay nila para makapagsimula na ng bagong bahay.

Habang hindi pa raw kasi ito nagsisimulang mag-taping sa Rhodora X, gusto na niyang pumunta roon para matiyak lang na okay na sila.

Jennylyn-MercadoMalamang isi-share ‘yan ni Jennylyn sa Startalk. Hindi lang siya open na i-share ang tungkol sa break-up nila ni Luis Manzano dahil gusto na raw niyang ibaon ‘yun sa limot at ituluy-tuloy na ang pag-move on.

 

PATI PALA ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay apektado rin sa pagsalanta nang husto ng bagyong Yolanda.

Karamihan pala sa mga kasambahay nila ay mga taga-Tacloban at talagang apektado raw sila. May ilang kamag-anak daw ang iba niyang kasambahay na missing at mabuti, natunton din daw sila.

Pero sobrang apektado raw sila kaya pinag-off daw muna sila ni Judy Ann para magkaroon ito ng sapat na panahon para mahanap doon ang mga kamag-anak nila.

Ngayong okay na raw ang mga kamag-anak ng kasambahay niya, tinulungan din daw nila ni Judy Ann na makapagpatayo sila ng bahay para maayos na rin sila.

Kaya sobrang involved ang mag-asawang Ryan at Juday dahil sabi nga ng una, naging bahagi na ng buhay nila ang mga kasambahay nila dahil malaki raw ang naitulong nila sa pagpapalaki sa kanilang anak, kaya matindi rin ang epekto nito sa kanilang mag-asawa.

Kaya kahit nasa taping si Ryan ng bagong game show niya sa GMA-7 na Picture Picture, naglalaan talaga sila ni Judy Ann ng oras para matulungan ang mga kasambahay nila.

Sa Sabado ng gabi na pala magsisimula itong bagong game show ni Ryan na Picture, Picture at makakatapat pa nito ang programa ni Judy Ann sa kabilang istasyon, pero hindi raw isyu ‘yun sa kanila.

Guest namin si Ryan sa Startalk para i-promote ang game show niya, at doon niya ilalahad lahat at kukumustahin na rin natin ang tungkol sa pagsasama nila ni Judy Ann.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING