Jennylyn Mercado, graduate na sa pagpapa-sexy sa men’s magazine

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, graduate na sa pagpapa-sexy sa men’s magazine

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Hindi na raw muling magpo-pose nang sexy sa men’s magazine si Jennylyn Mercado. Feeling daw niya, nagawa na niya ang dapat gawin para maging pabalat ng isang men’s magazine.
Kumbaga, graduate na raw si Jennnylyn sa pagpapa-sexy sa photos at mas gusto na lang daw niyang mag-focus sa kanyang hosting, acting, at singing career.
Sa ngayon, dalawa ang show ni Jennylyn sa Kapuso Network, isang cooking show at “Superstar Duets” na parehong naipamamalas niya ang kanyang husay sa hosting job.
Pero huwag daw mainip ang mga tagahanga ni Jennylyn na gusto na siyang mapanood sa isang teleserye, dahil meron ngang nilulutong bagong soap para sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING