Jennylyn Mercado, easily forgets Dennis Trillo because of Luis Manzano

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, easily forgets Dennis Trillo because of Luis Manzano

Jennylyn Mercado, easily forgets Dennis Trillo because of Luis Manzano

ADVERTISING

SINO BA NAMAN ang hindi mai-inlove sa mala-adonis, guwapong si Aljur Abrenica? Umaapaw ang kaseksihan ng youngest hunk actor. Ang ex-girlfriend pala niya ang nag-convince na mag-audition siya sa Starstruck at siya ang tinanghal na big winner. Hindi nagtagal ang kanilang relationship, nag-break din ang dalawa. ‘Yung girl pala ang nakipag-break sa kanya, ayon sa binata.

Pinangarap pala ni Aljur na maging isang sikat na mang-aawit , passion pala niya ang pagkanta. May banda pala siya noon, alternatives, ballads at rock ang type of music na kinakanta niya. Nagkaroon na pala ng solo album ang binata. Inihahanda na rin ang second album, mag-uumpisa na siyang mag-record ng dalawang kanta for his second album.  Inaayos na nga ni Aljur ‘yung original composition na siya mismo ang sumulat.

Hindi man aminin ni Aljur, naging inspirasyon ni Machete si Kylie Padilla sa kanyang mga awitin. Alam nating very vocal ang hunk actor sa tunay niyang saloobin sa dalaga. Ayaw nitong mag-comment tungkol sa friendship na mayroon sila.  Kung anuman ‘yun, sila lang ang nagkakaunawaan. Ang importante raw, masaya sila. Hindi masalita ang aktor lalo na kung si Kylie ang topic ng inyong conversation. Speechless siya, lumalabas ang pagka-torpe. Idinadaan na lang niya sa kanta ang saloobin sa isang babae. Du’n kasi na-i-express ni Aljur ang nararamdaman niya para kay Kylie.

ADVERTISING

Ang dating teeny-bopper na si Aljur ay isa nang hottest male star ng GMA-7. Hindi na mapigilan ang kanyang pagsikat. Oozing with sex appeal na pinapantasya ng mga kababaihan, matrona at mga kafatid sa pananampalataya. Aware ba ang singer/actor na his one of the sexiest man in showbusiness? “Feeling ko, healthy lang. Healthy ang life style ko, wala akong bisyo. Hindi ako umiinom. Hindi ako naninigarilyo. Ang bisyo ko lang gym at basketball,” simpleng sagot ng binata.

Obvious namang may disiplina sa sarili si Aljur kaya napapanatili niyang maganda ang kanyang panga-ngatawan. Kung mag-workout sa gym, 3 to 4 times a week, pero kung walang work, everyday siyang nasa gym. Kamote imbes kanin, no sugar, no salt, steamed fish, beef and chicken breast, walang mantika, steamed lang lahat ang kinakain niya.

Nakapag-invest na rin si Aljur sa kinita niya sa pag-aartista. Nakabili ng silver 2008 Toyota Fortuner worth P1.4 million at resort nila sa Batangas na gagawing rest house. Marami pang pangarap ang aktor na gustong matupad para sa kanyang pamilya. Unti-unti na nga itong nagkakaroon ng katuparan sa sariling pagsisikap.

 

NANG DUMATING SA buhay ni Jennylyn Mercado si Luis Manzano, mabilis nitong nalimutan ang traumatic experience niya with Dennis Trillio. Naging makulay uli ang kanyang buhay pag-big sa piling ni Lucky. Wala pang pag-amin sa dalawa pero obvious na nagkakamabutihan na sila. So far, everything has fallen into place. ‘Yun daw exclusive dating nila ni Jennylyn, whether it be unspoken sa kanila o kailangang pag-usapan. Isa lang ‘yun sa mga hakbang na kailangan nilang pagdaanan kung anuman ang namamagitan sa dalawa.

Ayon kay Luis, wala siyang idini-date na iba. Tipong in love na yata ang TV host- actor sa isang single mom? “I don’t take it as a bad thing. Definitely, any child is a blessing… And for some na nababasa, napaka-negative na tao na ini-insinuate na napakasama naman niyang ina at her age at mahirap makipagrelasyon sa taong may anak na. Ang masasabi ko lang, parang hinusgahan ang mommy ko. Nang pumasok noon si Tito Ralph (Recto) sa buhay namin, my mom had me.

“So, parang kung hinuhusgahan ninyo si Jen for having a son at nagkataon na may papasok na sa buhay niya. Parang hinuhusgahan ninyo ang mommy, which is very, very unfair! Siguro naman naitaguyod ako ng mom ko nang maayos. Siguro hindi ako naging pabigat.Nakita naman ninyo sina Mommy at Tito Ralph ngayon, so far so good. Sana naman hindi gamitin ‘yun because it is a very, very stupid logic,” seryosong pahayag ni Luis.

Nagkasama sina Luis at Jennylyn sa mga out of town shows, rackets pero naging close sila nang mag-training together ng Muay Thai and Jujitsu. Nagsimulang maging close nang mag-martial arts. Hindi itinanggi ng binata na na-meet na niya ang anak ni Jenn na si Jazz, twice pa raw itong dumadalaw sa training nila pero never pa daw silang tatlong lumabas na magkakasama. May ganu’n ?

Sige, wait na lang tayo sa next chapter ng kanilang love affair.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING