Jennylyn Mercado, ‘di raw big deal ang pagpunta-punta sa condo ni Dennis Trillo

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, ‘di raw big deal ang pagpunta-punta sa condo ni Dennis Trillo

Jennylyn-MercadoSA AUGUST 10 na pala magsisimula ang My Faithful Husband nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Siyempre nu’ng presscon nito nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi ay hindi pa rin maiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon.

Hindi pa rin kasi sila umaamin, pero nakikita namang mas malalim ang samahan nila ngayon.

Sinabi naman nila na mas gusto nila ng tahimik na ngayon kaya sana iwan na lang daw sa kanila ang kung ano mang meron silang dalawa.

Sabi ni Jennylyn, “Wala naman kayong narinig sa akin ng kahit ano, ‘di ba? Basta pinagsama na kami sa trabaho, ‘yun na ‘yun muna ang pag-usapan namin sa ngayon.”

ADVERTISING

Dugtong naman ni Dennis, “Bahala na sila kung ano ang isipin nila o kung ano ang maglaro sa imahinasyon nila. Basta masaya kaming pareho, may bago kaming show, kasama kami sa trabaho at walang problema.”

Pero mas mature, at mas seryoso ang kanilang relasyon, basta nagu-grow raw. Pero nagulat sila nang nilinaw ng Startalk ang nasagap naming kuwentong pumupunta si Jennylyn sa condo unit ni Dennis. Matagal bago sila nakasagot.

Sabi lang ni Dennis, “Lumalabas kami at siyempre minsan sinusundo ko siya para alis kami. Minsan naman siya ang pumupunta sa akin, sunduin niya ako. Normal lang ‘yun. Huwag na nating gawing big deal ‘yun.”

Saad naman ni Jennylyn, “‘Di ba sabi ko noon, ayaw namin ng distraction, basta kung ano mang meron sa amin, ayaw na naming guluhin ‘yun. Kumbaga, personal stuff na ano na namin ‘yun.”

Dinugtungan naman ni Dennis ng, “Hindi naman lahat kailangan sabihin, ‘di ba? Merong mga ibang bagay na iniiwan na lang namin para sa amin.”

So malinaw na, ‘di ba? Mukhang sila naman talaga, ayaw na lang nilang isapubliko pa. Mas gusto nilang sa kanila na lang talaga. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING