Jennylyn Mercado, ‘di raw big deal ang ‘di pagwawagi sa 2016 FHM’s Most Sexiest

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, 'di raw big deal ang 'di pagwawagi sa 2016 FHM's Most Sexiest

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

“I’m happy for her (Jessy Mendiola). Kasi si Jessy naman, nakikita naman natin kung gaano siya ka-voluptuous, ‘di ba! Lahat naman tayo may kanya-kanyang kaseksihan.”

Ito ang naging pahayag ni Jennylyn Mercado sa isang interview kaugnay sa pagkatalo nito kay Jessy Mendiola sa 2016 FHM’s Most Sexiest Women.
Dagdag pa ni Jennylyn Mercado, “Hindi naman puwedeng lagi na lang ako ang number one. Siyempre, let’s give chance to others.”

‘Di man nga raw nanalo si Jennylyn ngayong taon sa FHM’s Most Sexiest, happy raw ito dahil sa dami ng blessings na dumarating sa kanyang buhay mula sa pelikula, endorsement, at ngayon nga ay ang pagpirma nito muli ng panibagong kontrata sa GMA 7.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING