Jennylyn Mercado, ‘di pinakawalan ang pagkakataong magpa-picture sa sikat na Abbey Road sa London

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, ‘di pinakawalan ang pagkakataong magpa-picture sa sikat na Abbey Road sa London

Jennylyn-MercadoFIRST TIME lang ni Jennylyn Mercado na makapunta sa London. Nagkaroon siya ng series of shows doon kamakailan na lahat ay pawang naging successful naman daw.

ADVERTISING

“From my flight, diretso sa fan’s day,”kuwento niya. “After fourteen hours na travel, diretso sa meet and greet. Picture-picture do’n. Tapos dinner event, ganyan. And then dire-diretso ng rehearsal tapos show. Ten days na gano’n ‘young routine. Okey naman. Kasi ‘yong mga fans na nakikisabay sa ‘yo sa pagkanta, alam nila ‘yong mga kanta mo. At saka ‘yong feeling na kahit papano, ‘yong… alam kong na-miss nila ang Pilipinas.

“So ako, kahit a bit of… ‘yong mga songs man lang ng mga Pilipino o OPM songs na ako man lang makita nila at marinig nila. And… masaya talaga. Masarap pala sa London, ‘no?” tawa niya ulit.

“Ang ibig kong sabihin, iba ‘yong… siyempre environment. ‘Di ba? And ‘yong scenery, malinis. Disiplinado ‘yong mga tao. Nagpunta ako sa Abbey Road,” banggit niya kung saan nag-pictorial noon na tumatawid doon ang iconic group na Beatles. Kasi fan ako ng Beatles, e. So, kahit ang daming tumatawid na sasakyan at bubusinahan nila ako lahat, wala akong pakialam! Tatawid at magpi-picture ako… sabi ko talaga!”

ADVERTISING

Very soon ay ipalalabas na sa GMA ang bago niyang soap na Second Chances. Nag-pictorial na raw siya kasama ang iba pang cast nito na kinabibilangan nina Camille Pratts, Rafael Rossel, at Raymart Santiago.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING