Jennylyn Mercado, ‘di nagpaawat sa fans ni Marian Rivera, no. 1 sexiest Pinay na

ADVERTISING

Jennylyn Mercado, ‘di nagpaawat sa fans ni Marian Rivera, no. 1 sexiest Pinay na

Jennylyn-MercadoCONGRATULATIONS KAY Jennylyn Mercado na siyang nanguna pala sa listahan ng Sexiest Pinay ng FHM.

Tinalbugan ni Jennylyn si Andrea Torres na nakakaloka ang taas ng boto nito.

Suportado kasi siya ng mga fans ni Marian Rivera dahil close naman ‘tong dalawa at nasa isang management lang sila.

Pero hindi rin nagpaawat ang mga fans ni Jennylyn kaya wagi siya!

ADVERTISING

Sinorpresa si Jennylyn ng FHM bago siya umalis patungong Amerika nu’ng nakaraang Sabado.

Sinadya ng FHM si Jennylyn sa airport, kaya magandang pabaon sa kanya ‘yun.

Masayang-masaya si Jennylyn, bago umalis kaya mai-inspire siya lalo na magtrabaho sa Amerika.

Magsi-shooting doon si Jennylyn kasama si Sam Milby ng pelikula nilang Prenup sa Regal Films.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING