Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, totoong nagkabalikan na?

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, totoong nagkabalikan na?

Dennis-Trillo-Jennylyn-MercadoVERY SUCCESSFUL ang mga Valentine concert ng mga local artist natin, ha?

Na-cover ng Startalk ang Valentine concert ni Jennylyn Mercado na Oo Na, Ako Na Mag-isa, Samahan N’yo Naman Ako na ginanap sa SM Skydome nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi.

Ang bongga pa kay Jennylyn, talagang napagsama niya ang mga ex-boyfriend niya para sumuporta sa kanyang concert.

Close naman sina Jennylyn at Mark Herras, kaya okay lang na naging part ito sa concert ng Kapuso actress.

Ang inabangan du’n ay ang number nina Jennylyn at Dennis Trillo na holding hands pa raw silang kumakanta.

Sabi ni Jennylyn, siyempre pini-feel lang daw nila ang kantang After All. Pero wala raw talagang balikang nangyari.

Mas okay raw na naging friends lang sila, at nakakatuwa nga raw na nagkasama sila uli sa trabaho pagkatapos ng maingay na break-up nila ilang taon na ang nakaraan.

Sinubukan ng Startalk na interbyuhin si Dennis, pero hindi talaga ito nagsalita.

Ayaw na lang kaya niyang mag-comment at baka totoo namang nagkabalikan na sila? Naku, day! Malalaman din natin ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis