Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagkabalikan?

ADVERTISING

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagkabalikan?

Dennis-Trillo-Jennyln-MercadoITINATANGGI NI Jennylyn Mercado ang kumalat na tsismis na nakita raw ito sa Oakwood nu’ng nakaraang linggo.

Iyon daw ang araw na hinahagupit ng bagyong Glenda ang buong Kamaynilaan at may nakakita nga raw na nasa Oakwood ang Kapuso actress, at ang kasama raw si Dennis Trillo?

Naku, ha! Magkakabalikan sila o date date lang?

Sabi kasi noon ni Dennnis sa mga nakaraang interview niya, hindi na raw niya binabalikan ang mga nahihiwalayan niya.

ADVERTISING

Hindi naman daw totoo na lumabas sila ni Dennis, at wala nga raw siyang panahon sa lovelife.

Pero napansin ng mga kati-katera sa social media na nag-follow na raw sa isa’t isa sina Dennis at Jennylyn sa kanilang Instagram account.

Si Dennis daw ang unang nag-follow kay Jennylyn at pagkalipas ng isang minuto lang, nag-follow naman si Jennylyn.

Siyempre nabigyan ng malisya ‘yun. Pero malay nga natin, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING