Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ikinasal sa studio ni Kathryn Bernardo

Leo Bukas

KASAL NA sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang simpleng civil wedding ceremony noong Lunes, November 15, 2021.

Naging venue ng civil wedding sa ipinatayong studio ni Kathryn Bernardo sa Quezon City. Parehong nakasuot ng white suit ang dalawa para sa espesyal na okasyon.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ikinasal sa studio ni Kathryn Bernardo
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo wedding

Walang naging espesyal na panauhin sina Jennylyn at Dennis sa kanilang kasal except sa malalapit nilang kaanak at kaibigan.

Walong taon nang magkarelasyon ang dalawa bago sila nagdesisyong magpakasal. Sumakto naman na buntis na si Jennylyn at natuloy na rin ang plano nilang bumuo ng pamilya kaya mas meaningful ang kanilang union of vows.

Matatandaang plinano ng dalawa na magkaanak sa pamamagitan ng surrogacy sa Amerika na hindi naman natuloy dahil nagbuntis si Jennylyn sa normal na paraan.

Kasunod ng balitang buntis si Jennylyn ay nag-propose naman ng kasal si Dennis sa girlfriend noong October 8.  Isang simple pero madamdamin ang inihandang proposal ni Dennis sa bahay ng aktres.

“Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito. Inisiip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon.

“Pero siniguro ko muna talaga kapag nangyari iyon, ito na yung best version ko,” sabi noon ni Dennis.