Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang kanilang pinagdaanan sa isolation

KAHIT NA negatibo ang kanilang resulta sa mga swab tests ay pinili ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na mag-isolate simula nang mag-positibo sa COVID ang mga kasamahan nila sa bahay.

Sa kanilang latest vlog entry ibinahagi ng dalawa kung bakit nila pinili na mag-isolate sa kanilang condominium.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang kanilang pinagdaanan sa isolation
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

“Halos lahat ng tao sa bahay namin ay nag-positive. After New Year, mga January 4, January 5, may isang tao na na-expose sa kanila. Tapos ayun, sunod-sunod na ‘yun buong bahay except kaming dalawa ni Dennis at saka si Jazz,” kuwento ni Jennylyn.

“Kaya hindi namin kasama si Jazz ngayon kasi exposed naman siya dun sa yaya niya na positive din. Sinigurado muna namin na hindi maging carrier si Jazz at mahawa rin ako, lalo na ako. Sixth month ko na. Iniwan namin si Jazz sa bahay pero naka-isolate siya. Actually lahat ng tao dun naka-isolate,” dagdag pa niya.

Ngayon na papalapit nang papalapit ang kanyang due date sa panganganak, kailangan na mag-doble ingat for the sake of Jennylyn and their baby. Inaasikaso naman sila ni Dennis.

“Araw-araw na nandito kami since day one na lumipat kami dito sa condo, si Dennis ang halos lahat gumagawa. Masuwerte ako na kasama ko siya dito kasi at least naaalalayan ako ng husto, naaalagaan. Na-practice ‘yung pagiging mag-asawa namin dito.” lahad pa ng pretty mom.

Para naman kay Dennis ay nae-enjoy niya ang pag-aalaga sa kanyang misis.

“Kasi kaming dalawa lang talaga. Dalawa lang naman kami dito so konti lang ‘yung hinuhugasan ko. Konti lang naman ‘yung dumi dito sa condo kaya kayang kaya naman. Masaya naman. Actually hindi ko masyado namalayan na two weeks na pala.”

Baby Girl ang magiging anak nina Dennis at Jennylyn at lahat ng fans and supporters ng dalawa ay hindi makapaghintay na makilala ang kanilang first baby. Doble ingat everyone!

Previous articleSef Cadayona, Kat Galang at Patricia Coma, one happy family sa ‘Regal Studio Presents: Me and My House Daddy’
Next articleThings You Didn’t Know About Mavy Legaspi