Parazzi Chikka: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, holding hands sa Hong Kong!

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, holding hands sa Hong Kong!Parazzi Chikka: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, holding hands sa Hong Kong!
PILIT NA IDINE-DENY ni Jennylyn Mercado na kasama niya si Dennis Trillo sa Plantation Bay sa Cebu nitong nakaraang Holy Week. Tigas nga sa pagtanggi ang aktres nang tanungin ito ng ating Kaparazzi na si Gorgy’s Park (read article here). At kung paanong idine-deny ni Jennylyn ang nasabing chika, wala rin daw katotohanan ang diumano’y namumuong relasyon sa pagitan nila ni Dennis.

Pero nito ngang Holy Week, nakatanggap kami ng tip sa tunay na kinaroroonan ni Jennylyn. Nasa Hong Kong daw ito. Sino ang ka-join sa kanyang Hong Kong trip? Walang iba kundi si Dennis!

Kaya naman pinasundan namin sa aming parazzi photog ang dalawa. Hindi naman nabigo ang aming kamerang-gala. Sa mga eksenang ito na nakunan noong nakaraang Martes Santo (March 30), naispatan sina Jennylyn at Dennis sa Causeway Bay sa Hong Kong. Ang Causeway Bay ay kilala sa Hong Kong bilang paboritong shopping district ng mga turista at maging ng mga taga-roon.

Ano naman kaya masasabi ni Jennylyn sa mga litratong ito? Tama nga namang hindi niya kasama ang aktor sa Plantation Bay. ‘Wag na ngang ipilit. Dahil ang totoo, sa Hong Kong sila magkasama. At talaga namang lalanggamin ang dalawa sa kanilang sweetness. Kundi pa naman sweetness ang tawag sa kanilang mahigpit na holding hands while walking, ewan na namin, huh!

Ang chika pa sa amin ng aming kamerang-gala, maghapon niyang nasundan ang dalawa at mukhang silang dalawa lang umano ang magkasama sa Hong Kong.

ADVERTISING

Sa paglabas ng mga litratong ito, ewan na lang din namin sa ‘yo Jennylyn… baka idemanda mo na naman kami dahil walang permiso mula sa ‘yo ang pagkuha ng mga litratong ito. Eh, ‘di nga ba, nu’ng inilabas ng Pinoy Parazzi ang ‘binyag pics’ ng anak mong si Baby Jazz, nagbanta kang idedemanda kami, dahil walang permiso mula sa ‘yo? ‘Yun nga lang, ‘di mo rin itinuloy.

Sa totoo lang, ‘di rin naman kami kay Jennylyn interested. Mas gusto naming marinig ang magiging reaksiyon dito ni Cristine Reyes. Balitang-balita pa rin kasi na may relasyon pa rin diumano ang sexy actress kay Dennis, at noon nga raw nakaraang birthday ni Cristine, obvious sa sweetness ng dalawa na ‘di pa tapos ang kanilang relasyon.

Ang masasabi na lang namin, idol ka talaga Pareng Dennis… wala kang kasing tulis!

Ni Dani Flores

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING