Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, bagong Denial Queen at King!

OLA CHIKKA! BAKIT kaya may mga taong kailangan magpanggap at magkaila kung kitang-kita na ng buong Pilipinas ang mga tinatanggi nila? Tulad na lamang nitong mga Kapuso star na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kung sa bagay, ang showbiz nga naman may makita ka lang na kasama, isyu na agad. Ngunit hindi naman na yata p’wedeng masabing friends lang kayo kung lagi na kayong magkasamang magbakasyon at makita kung saan-saan, ‘di ba? Eh, bakit pa ayaw aminin nitong dalawa kung may relasyon sila? Para silang mga baliw dahil niloloko lang nila mga sarili nila. As if naman naniniwala ang mga tao dahil sa kabila ng mga ebidensiya, sabi-sabi at litrato, maitatago pa ba nila ‘yun?

Ang tindi talaga nitong si Papa Dennis dahil ang tinik sa mga chikas. Kung sa bagay, kung ako nga naman ang babae, why not, ‘di ba?! Ha-ha! Kaso hindi, eh. Kaya suwerte ka na Jen, ‘wag nang magdeny-deny pa kung ayaw mong matulad kay Carlene na hard tanggi pa siyang walang relasyon ngunit nu’ng nabuntis ay wah na sa pag-deny. Ha-ha! Panalong-panalo talaga ‘tong Kapuso stars at dahil d’yan bibigyan ko kayo ng titulo… “Denial King and Queen of the month”. Bonggacious!

AT KUNG PABONGGAHAN naman ang pag-uusapan ay wala na talagang bobongga pa sa kagandahan nitong si Vice Ganda dahil sa patuloy na pagkakaroon niya ng mga projects. Kung lumabas ang ganda niya sa Showtime eh, mas lalabas ang tunay niyang kagandahan dito sa kanyang nalalapit na bagong pelikula, kung saan bagay na bagay ang bansag sa kanyang kabayotic beauty.

At dahil kabayotic ang pinag-uusapan dito, malamang hindi makukumpleto ang pelikula kung wala ang tunay na  nagtataglay ng kabayotic face… ehem! ehem!

Tama mga kapatid. Kaya hintayin n’yo na lang sa mga susunod na araw ang mga pasabog ng ‘pag remake ng Petrang Kabayo! Yeee… haaa!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong guwapong male singer na talaga namang wholesome ang dating at napakagaling pang kumanta?

Hindi maikakaila ang kanyang pagiging magandang lalaki dahil height pa lang, panalo na. Kapag humawak na ng mikropono ay kikiligin ka talaga, kaya walang dudang bidang- bida siya ngayon sa ibang bansa.

Ngunit ano itong narinig ng aking parazzi girl na ibang mikropono raw ang hinawakan nitong male singer sa ibang

bansa, at kung disente ang image dito sa ‘Pinas ay doon nagkakalat ng lagim sa ibang bansa?

Naku, huh! Ka-pederasyon ka na rin ba namin? Ay, sana ‘wag naman dahil talagang sayang ka… gusto n’yo ng clue? Ha-ha! ‘Wag na dahil sa kuwento ko pa lang ay talagang gets mo na! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleVic Sotto at Dina Bonnevie, ready na sa pagpapakasal nina Oyo Boy at Kristine
Next articleSexy actress, tinarget nina Willie Revillame at Manny Pacquiao

No posts to display