Jennylyn Mercado, aminadong fan ni John Lloyd Cruz

Jennylyn Mercado, aminadong fan ni John Lloyd Cruz

Jennylyn Mercado, aminadong fan ni John Lloyd CruzHeto na ang pinakahihintay ng mga fans nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, ang pelikulang pagsasamahan nila para sa Star Cinema.

Kuwento tungkol sa isang piloto (played by JLC) at ng isang ground crew ng isang airline company naman  si Jennylyn.

Si Lloydie ay si Uno at si Jen naman plays Aki na matagal nang may crush kay Uno.

Sa isang panayam, diniscribe ni Lloydie ang kanyang karakter sa bagong pelikula niya under Direk Cathy Garcia-Molina, “I’m playing Uno, isang piloto na talagang matayog, mataas ang kanyang pangarap. Meron siyang mga bagay na gustong patunayan. He comes from a family na hindi niya nakilala.

Sa unang pagkakataon, si Lloydie, matagal na palang pangarap makasama sa pelikula ang aktres.

Si Jennylyn Mercado naman aminado na fan ni John Lloyd at sa katunayan, halos lahat ng project at pelikula ng aktor ay pinanonood niya.

Sa pagkakataong ito, maganda ito para sa dalawang istasyon, ABS-CBN at GMA, na magkasama sa iisang project dahil kung maalala pa, buhay na buhay pa rin ang rivalry ng dalawang istasyon na ang mga bidang mga artista ay parehong mula sa magkaibang kuwadra.

Ang pelikula nina Lloydie at Jen ay mapanonood na sa March.

Reyted K
By RK VillaCorta