Jennyly Mercado, iwas pag-usapan si Dennis Trillo

ADVERTISING

Jennyly Mercado, iwas pag-usapan si Dennis Trillo

Jennylyn-MercadoGaling sa isang “romantic” vacation sa Europe ang mag-ex na magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ewan ko kung after ng bakasyon nila ay matatawag na mag-ex pa rin ang dalawa. Baka hindi na nga akma dahil for sure, may something romantic na nabuo between the two kahit ayaw man nilang aminin.

Nang humarap si Jennylyn Mercado sa press para sa kanyang MMFF entry na “Walang Forever” kapareha si Jericho Rosales; ayaw na muna niyang pag-usapan si Dennis. “Nakakahiya naman kay Echo. Kaming dalawa muna ang topic,” natatawang pahayag ng aktres.

Kung last year ay super hit ang entry ni Jennylyn na “English Only, Please!”, tila ganun din ang ini-expect ng marami sa bagong romcom ni Jen na excited sa tambalan nila ni Echo. “Iba naman ang character ko rito,” kuwento niya.

Alam ko na kung bakit ayaw pag-usapan ni Jen ang tungkol sa bakasyon nila ni Dennis Trillo sa Europe. Siyempre wala sa tamang panahon na i-emote ng aktres ang tungkol sa “pagbabalikan” nila ni Den at hind naman ang aktor ang kapareha niya sa movie kundi si Echo.

ADVERTISING

Siguro, after the filmfest, puwede na siguro ipangalandakan na sina Jen at Den nagkabalikan at salamat sa European holiday nila. Yehey!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING