Jennica Garcia, super-iwas sa press sa premiere ng movie ni Alwyn Uytingco!

ADVERTISING

Jennica Garcia, super-iwas sa press sa premiere ng movie ni Alwyn Uytingco!Jennica Garcia, super-iwas sa press sa premiere ng movie ni Alwyn Uytingco!LAST SUNDAY SA premiere night ng comedy road trip indie film na Pendong sa SM Mall of Asia Cinema 6, obvious na umiwas sa press si Jennica Garcia upang hindi siya makuhanan ng mga TV crew na nandoon.

Si Jennica nga kasi ang rumored girlfriend na ngayon ni Alwyn Uytingco, isa sa tatlong pangunahing bida sa Pendong na dinidirek ni Sean Lim mula sa Oxin Entertainment Productions.

ADVERTISING

The two other actors ay ang mga guwapong sina Will Devaughn at Felix Roco, na naturalesa ang atake sa role on the bigscreen, manang-mana sa amang si Bembol na may special appearance sa pelikula.

Maaga pa lang ay nandoon na ang apat na TV crews – Startalk, SNN, Tweetbiz, at Juicy, pero tila “timing” ang pagdating ni Jennica na wala na ang tatlong crew. Hindi naman napansin ng cameraman ng Startalk ang pagdating ni Jennica sa sinehan (kasama ang kanyang non-showbiz friends), kaya dali-dali itong nakapasok sa loob.

Eh, ‘di sana na-corner na ito at mapapatunayang sumuporta siya sa sinasabing jowa na niyan ngayong si Alwyn, kahit na ang deklarasyon ng young actor ay nililigawan pa lamang niya ito. Nagsimula na ang movie at nakaupo na rin ang print media kaya madilim na sa loob nang dumating si Jennica, pero kami ay nasa lobby pa sa pagsipot niya, huh!

ADVERTISING

‘Eto na, hindi rin tinapos ni Jennica ang movie kaya nag-isip ang media na talagang umiiwas ito? Maaari rin namang marami siyang skeds that night kaya na-late na, ‘di pa tinapos ang movie.

Si Alwyn ang vocal sa kanyang print and TV interviews na mahal na mahal niya ang anak ni Jean Garcia, pero we have yet to read/ hear ang side naman ng babaeng napupusuan ng batang aktor na nabigyan ng kanyang biggest break, so far, sa Pendong dahil sa paghahanap ng tunay niyang ama ang reason ng road trip nila sa istroya.

Iisa ang talent manager nina Jennica and Alwyn in the person of Manny Valera and kahit na matagal na sila under DMV Entertainment eh, tila ngayon lang nahulog ang damdamin ng bawa’t isa.

And we think, that’s what you call love. Ibigay na natin sa kanila ‘yun. Lahat naman ay may karapatang magmahal, ‘noh!

SA PENDONG PREMIERE night pa rin, aba, at in full force ang tropa ni Felix Roco. Kabilang na siyempre rito ang kakambal niyang equally handsome na si Dominic Roco.

Pero sa ilang pambihirang pagkakataon, hindi na ‘ata inililihim ni Dominic ang relasyon nito kay Maxene Magalona, dahil ayun at dumating din si Maxene to give moral support.

What a good pair naman ang nakita ng marami at bagay sila, in fairness. Ewan kung bakit si JC Tiuseco pa ang ipinipilit ng GMA-7 na maging ka-loveteam nitong si Maxene eh, in real life, mukhang sina Maxene and Dominic na naman, huh!

Sa interview namin kay Dominic sa Cinemalaya 2010 presscon, kung saan siya may film entry na Rekrut eh, tigas pa rin sa pagtanggi si Dom na jowa na niya si Maxene, kundi “friends” pa rin kuno sila.

Pero sa after-dinner ng Pendong cast and crew sa Hooters na malapit sa SM MOA pa rin, eh sweet-sweetan ang dalawa huh, nakaakbay pa si Dominic kay Maxene. Although nagkakasayahan lang naman talaga ang tropa, kung saan nandoon din ang magkapatid na Glaiza de Castro at Alchris Galura, JM de Guzman, etc.

Ang Pendong ay ang first movie rin ni Xaviera Iglesias, maganda at alluring na new talent ni Arnold Vegafria at pamangkin ni Lorraine Shuck. May cameo roles din sa movie sina Rafaell Rosell, Enchong Dee, Paolo Ballesteros, Ate Gay, etc.

Executive producer si Mark Shandii Bacolod, mula sa script ni Archie del Mundo. Tama ba, Meme?

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING