Jelai Andres on cheating and mending a broken heart: ‘Kailangan mahal mo ang sarili mo bago ka magbigay nang buo’

Ang sexy vlogger turned actress na si Jelai Andres ang latest guest ni Toni Gonzaga sa kanyang nakakaadik na Toni Talks interview series. Hindi naman naging lihim sa mga sumabaybay ng love story ni Jelai sa kanyang ex-husband na si Jon Gutierrez ng Ex-Battalion ang mga nangyari sa kanilang paghihiwalay.

Ayon kay Jelai, siya ay nagdusa mentally and emotionally nang madiskubre niya ang panloloko sa kanya ni Jon noong 2016, 2019, at 2021.

Jelai Andres on cheating and mending a broken heart: ‘Kailangan mahal mo ang sarili mo bago ka magbigay nang buo’
Jelai Andres

“Para kang namatay. Lumaki akong… naniniwala na may kabutihan ‘tong tao na ‘to. Baka nagkamali lang siya. Nagbibigay ako ng chance,” sambit niya kay Toni.

“Wala na akong chance na [i-confront siya] kasi na-depress ako noong time na ‘yun. Doon na nag-start. Umiiyak ako tapos dere-derecho nang maninigas ako, nagsasara ‘yung throat ko. Hindi ako makahinga.”

Umabot na rin sa punto na ilang beses siyang sinugod sa ospital dahil sa panic attacks.

“Marami akong paghihirap na pinagdaanan pero lagi kong nilalabanan kasi pinipilit kong buoin ang sarili ko. Bubuoin ko rin siya, while ako pala ‘yung nawawasak. Hanggang sa paulit-ulit akong nasa ER, pabalik-balik, hindi na gumagana ‘yung iniinject sa’kin,” aniya.

Ang kaso, pinili ni Jelai na patawarin ang nobyo at tinanggap pa ang marriage proposal sa kanya noong 2017.

“‘Yung history ng cheating, pinatawad ko siya. Nakalimutan ko na… kapag kaya mong patawarin, patawarin mo. Kapag hindi mo na kaya patawarin, huwag mo nang patawarin. Kasi ibabalik at ibabalik mo eh. So ngayon, ilalaban mo ‘yun sa sarili mo na pinatawad mo na siya,”

Tinanong din ni Toni kay Jelai kung bakit pinili nitong patawarin ang ex kahit pa ilang beses na niya itong nahuli na nambababae.

“Naniwala ako sa kanya kasi love mo eh… kinasal kami. Kailangan kong ipaglaban kasi ako ‘yung wife, pero hindi ako nagsisi kasi nagawa ko ‘yung part ko. Kung hindi ko pinatawad, baka ngayon, meron akong pagsisisi,”

“Ginawa ko lahat hanggang sa nasagad na. ‘Yung parang, binigay na ni Lord ‘yung sign kasi naniniwala ako na kapag gusto ni God i-let go mo ‘yung someone, pero ni-refuse mo, hahayaan niyang masaktan ka nang masaktan para wala ka nang choice kundi i-let go mo ‘yung tao,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Jelai na siya ay nabulag ng pagmamahal niya kay Jon and that she didn’t feel ‘stable’. Natauhan na lamang ito nang siya ay nagfile for annulment noong 2021.

Matapos ng walong buwan mahigit ay nasa better place na si Jelai.

“Bigla akong nagising. Noong nag-start ako sa mga legal, parang down na down ako… mainit ang ulo mo, nasasaktan ka. Pero bigla akong gumising na parang, ‘Bakit hindi na ako galit? Ayoko nang gumanti.’ Bigla na lang, parang unti-unti siya,”

May mga realizations din si Jelai pagkatapos ng kanilang controversial breakup.

“Noong simula na naging okay ako, nag-celebrate na ako ng birthday ko. Kasi parang pinanganak ako ulit.”

“Ayoko nang magalit kasi ako ang kawawa eh… Kailangan mahal mo ang sarili mo bago ka magbigay nang buo. Bago ka magbigay nang magbigay, mag-iwan ka para sa sarili mo. Kailangan mahal mo ang sarili mo. Huwag mo hahayaang makawawa ka,” pagbabahagi niya.