Jelai Andres, maligaya sa kanyang healthy living sa tulong ng Beautéderm Health Boosters

Leo Bukas

PATULOY ang Beautéderm Corporation sa pag-promote ng healthy living sa pagsalubong nito sa aktress, YouTube content creator, at social media personality na si Jelai Andres bilang brand ambassador ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters.

17.7 million ang consolidated followers ni Jelai Andres sa kanyang Facebook, Instagram, YouTube, at Twitter platforms at dahil dito isa siya sa pinaka-prominenteng influencers sa social media ngayon.

Jelai Andres, maligaya sa kanyang healthy living sa tulong ng Beautéderm Health Boosters
Jelai Andres

Ang ka-higanteng following ni Jelai sa social media ang nagbigay daan sa kanyang very promising career bilang isang aktres kung saan lumabas siya sa pelikulang Feelennial nuong 2019 at pati na rin sa mga top-rating serye ng Kapuso network gaya ng One Of The Baes at Owe My Love at pati na rin sa YouTube short films na Barang at Sama Ka.

“Maligaya ako I feel so blessed as I am grateful and excited ngayong bahagi na ako ng Beautéderm,” sabi ni Jelai. “I am honored that Beautéderm trusted me to represent REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters as its brand ambassador.”

With an extremely active and busy lifestyle, mahalaga para kay Jelai na panatiliin ang kanyang magandang kalusugan lalo na ngayong pandemya, “Importante para sa akin ang tamang oras ng pagtulog, uminom ng madaming tubig water, at siyempre healthy diet.

“Mahalaga din ang outlook. Sinisiguro ko na lagi akong nakangiti at masaya. Siyempre, kailangan ko ang aking daily dose ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters para maharap ko ang aking araw at makumpleto ko ang ang mga dapat kong gawin araw araw ng mayroong vigor at vitality.”

“We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador,” ayon sa Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

“Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to the fullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that.”

Ang launch ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay in line sa on-going 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula nuong Agosto 2021 at nation din ito sa birthday celebration ni Rhea na nangyari nuong nakaraang Nobyembre.

“My team and I have been working on REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters for over a year now,” ayon kay Rhea.

Jelai Andres, maligaya sa kanyang healthy living sa tulong ng Beautéderm Health Boosters
Rhea Tan

“The pandemic has taught and reminded us so many things – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, that family is very precious, and that we should always take care of our health. We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well.

“Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay ang aking maliit na kontribusyon to make sure that everyone is in tiptop shape and healthy. Tama si Jelai na kailangan natin ng vigor and vitality in accomplishing our daily tasks and REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters is here to help us live the healthy lifestyle that we all deserve,” sabi pa ni Rhea Tan.

Previous articleYear-end countdown ng NET25 sa Philippine Arena, matagumpay
Next articleJulia Barretto itinuring na “calm and peaceful” ang 2021