Jed Madela, tinanggap ang hamon ng fans ni Darren Espanto

ADVERTISING

Jed Madela, tinanggap ang hamon ng fans ni Darren Espanto

Jed-MadelaEXCITING ANG magiging showdown sa pataasan ng boses nina Jed Madela at Darren Espanto sa All Requests concert ni Jed na gaganapin sa Sept. 12, 8 pm sa Music Museum.

Tinanggap ni Jed ang hamon at request ng fans ni Darren kaya isa ang bata na second placer sa The Voice Kids Philippines sa magpapakitang-gilas sa concert. Ayon pa sa kuwento ni Jed, puro contest pieces na panlalaki at pambabae ang kanilang kakantahin kaya good luck daw sa kanya.

“Good luck talaga sa akin. Mas bata si Darren, hindi pa gaanong gasgas ang boses niya kaya bahala na. Hahaha!” natatawa niyang reaksyon.

Sa unang All Requests ni Jed ay naging hit ang on the spot na pagkanta ni Jed ng request ng audience ng mga kantang binunot niya sa fish bowl. “Medyo nakaka-tense ang part na ‘yon ng concert pero exciting naman. Para talaga sa audience ‘yon,” kwento ni Jed.

ADVERTISING

Bukod nga pala sa All Requests 2 sa Sept. 12, magkakaroon na rin ng All Requests 3 on Nov. 21 sa Music Museum din and after that meron na rin ito ng Philippine tour next year.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING