Jed Madela, gusto na raw mag-sorry sa ASAP

ADVERTISING

Jed Madela, gusto na raw mag-sorry sa ASAP

Jed-MadelaMAGANDA NAMAN ‘yung nakarating sa aming tsika mula sa isang taga-ABS-CBN na nagparamdam na raw ng panghihinawad si Jed Madela tungkol sa naging kontrobersiya nila ng staff ng programang ASAP ng Kapamilya Network, kung saan ay umani talaga siya ng pagbatikos dahil sa kawalan daw ng respeto sa show na iyon na talaga namang nagbigay sa kanya ng kasikatan magmula nang ipakilala siya sa showbiz.

Kahit pa sabihing baka naghuhugas-kamay lang si Jed sa kanyang ginawa na ipinagkaila niya na mga tauhan talaga ng ASAP ang kanyang pinatutungkulan ng sinasabi niyang hindi magagandang kausap, leksiyon na rin iyon na dapat niyang matutunan. Na sa susunod ay mag-ingat din siya. Lalo na ngayon, na kahit papaano talaga ay nabawasan ang tiwala sa kanya ng mga taga-ASAP sa kabila ng maganda ngang naging pagtrato sa kanya nu’ng maging parte siya ng programa.

Okey lang naman na nabigyan pa si Jed ng isa pang pagkakataon pagkatapos ng nagdaang intriga. Kasi nga, tatak na rin ng ASAP ang kahusayan ni Jed bilang singer, at nagkatulungan na rin naman sila, dahil ang ABS talaga sa pamamagitan ng nasabing programa ang naging dahilan para makilala rito sa Pilipinas si Madela. Mabait, magalang at diretsong kausap si Jed sa personal, kaya baka nagkaroon lang talaga ng hindi pagkakaunawaan na hindi naiwasan dati, na medyo ayos na daw ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING