Jean Garcia, muling nakabangga si Eula Valdez

ADVERTISING

Jean Garcia, muling nakabangga si Eula Valdez

Jean-Garcia-Eula-ValdezINABANGAN AT tinutukan ng Kapuso viewers ang muling pagsasama sa The Half Sisters ng magkaibigang sina Jean Garcia at Eula Valdez.

ADVERTISING

Huling nagkatrabaho sina Jean at Eula sa Pinoy version ng Koreanovela ng GMA-7 na All About Eve noong 2009.

Ayon kay Jean, masayang-masaya rin siya nang ibalita sa kanya na magiging parte ng top-rating afternoon prime series si Eula na matalik niyang kaibigan.

“Masaya ako at nakasama ko ulit si Eula. Happy lalo sa set kasi it’s really nice to be working with someone you’re comfortable with. Walang nagbago sa kanya, masayahin  pa rin siyang katrabaho.”

ADVERTISING

Sa pagpasok ni Eula sa programa bilang si Ysabel, magiging karibal siya ng karakter ni Jean na si Rina sa puso ni Benjie (Jomari Yllana).

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng The Half Sisters sa nationwide TV ratings. Hindi natitinag ang programa at nananatiling number 1 sa timeslot nito.

“Super thankful and grateful kami kay Lord at sa lahat ng televiewers na patuloy na sumusubaybay sa amin. Nakakataba ng puso dahil ginawa nila kaming no. 1 kaya nandito pa rin kami.”

“Nakikita ko na magtatagal ang show pero hindi ko akalain na ganito katagal kaya naman tuwang-tuwa kaming lahat. We are really blessed at lahat ng ito ay binabalik namin sa ating Panginoon,” dagdag ni Jean.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING