Jean Garcia, 2 Chinoy ang idini-date

ADVERTISING

Jean Garcia, 2 Chinoy ang idini-date

Jean Garcia
Jean Garcia

Hindi torrid ang kissing scene nina Jean Garcia at Jake Cuenca sa “Mano Po 7: Chinoy” ng Regal Films na showing on December 14. Iba raw ito sa ginawa nila ni Derek Ramsay sa “The Escort”.

“Kay Jake kasi, kiss lang naman talaga. Saka may damit naman kami,” sey ni Jean.

Nang usisain namin ang tungkol sa kanyang lovelife, aminado ang aktres na two years na siyang walang boyfriend.

“Wala pa. Pero nagdi-date naman ako.”

ADVERTISING

Eh, ‘di matagal na siyang tigang?

“Hahaha! Ewan ko sa inyo. Pinaglalaruan n’yo na naman ako,” sabay halakhak niya.

Hindi pa ba siya nakapipili ng magiging boyfriend sa mga nakade-date niya?

“Wala pa. Ayoko pa.”

Na-try niya na ba ang Chinoy?

“Hahaha!” halakhak ulit niya. Sabay amin na, “May dini-date akong dalawang Chinoy ngayon.”

Alam ba nila ’yon?

“Hindi naman ako committed, eh. I’m dating and they know.”

Mas masarap ba ang Chinoy kesa Pinoy?

“Okey naman ang Chinoy. Pareho lang naman sila ng Pinoy,” natatawa pa niyang pahayag.

Samantala, asawa ni Richard Yap ang role ni Jean sa “Mano Po 7: Chinoy”. Ayon sa kuwento ni Jean, nagkaroon daw siya ng affair kay Jake dahil hindi na siya kinakausap at pinapansin ni Richard.

Kasama rin sa movie sina Enchong Dee, Jessy Mendiola, Eric Quizon, Janella Salvador, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING