JC Tiuseco, handang magpakita ng puwet

ADVERTISING

JC Tiuseco, handang magpakita ng puwet

JC-TiusecoNAKAPANAYAM DIN namin ang sexy hunk na si JC Tiuseco na kasama rin sa The Half Sisters, kung saan gaganap siya bilang bestfriend ni Jomari Yllana. Tinanong namin kung tanggap ba niya ang mga ganu’ng supporting roles samantalang p’wede naman siyang mag-bida?

ADVERTISING

“‘Yun kasi ang ibinibigay na role sa akin sa ngayon. Siyempre gusto ko namang mag-bida kung mabibigyan ng chance,” honest namang tinuran ng sexy hunk. “Pero sa ngayon, kung ano lang ‘yung nandiyan para sa akin, dapat pagtrabahuhan at pag-igihan.”

Sa totoo lang, nakaaarte naman si JC at may hitsura naman siya, sexy pa. Sa palagay ba niya, mayroon pa siyang dapat gawin upang mapabilis pa ang pag-usad ng career niya? Mukha kasing mabagal sa tingin namin.

“Ginagawa ko naman lahat. Like I do workshop at pinagbubuti ko naman ang trabaho ko. ‘Yun lang, wala pa ‘yung saktong para sa akin, eh. Hindi naman ako namimili ng trabaho. Kung ano ang ibigay, ‘yun ang ginagawa ko. P’wede naman ako sa lahat, eh, drama, action o sexy,” tugon ng morenong binata.

ADVERTISING

Kung bibigyan siya ng launching movie, isang indie film na isang batikang direktor ang hahawak, papayag ba siyang magpa-sexy at hanggang saan ang kaya niyang ipakita?

“Siguro kung talagang kailangan, kaya ko namang magpa-sexy ng todo, huwag lang ‘yung tipong garapal na na halos lahat eh, ipapakita mo na. P’wede naman ako hanggang sa butt exposure,” natatawang sagot ni JC sa tanong namin sa kanya.

Naku, oo naman, ‘noh! Why not eh, delicious naman siya at yummyness sa mga beki at mga matronix d’yan, ‘noh! Muling tumawa si JC na halos mawala na ang mga tsinitong mga mata niya.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING