JC Santos naging life-saver ang anak sa panahon ng covid-19 pandemic

Leo Bukas

LIFE-CHANGING para sa aktor at isa sa mga bida ng pelikulang Adarna Gang na si JC Santos ang maging first-time dad sa two-year-old daughter na si River Aletheia. Aminado rin ang aktor talagang nag-i-enjoy siya sa pagiging ama.

“Sinasabi nila before parang pag daddy ka na, mawawala na yung freedom and everything, ako parang hiyang, eh,” pahayag ni JC.

JC Santos naging life-saver ang anak sa panahon ng covid-19 pandemic
JC Santos and daughter

Patuloy ng aktor, “Na-enjoy ko siya nang sobra, nae-enjoy ko siya every day. At saka yung mga discoveries habang lumalaki yung baby mo, you see it every day tapos makikita mo yung nagiging personality niya at nakikita mo na magiging maayos itong tao and I like that.”

Bukod sa pagiging life changer para sa kanya si Baby River ay isa rin daw life saver din ang kanyang panganay. Ayon pa sa aktor, napaka-right timing ang pagdating sa kanya ni Baby River during the covid-19 pandemic. Si River din daw ang dahilan kung bakit na-maintain niya ang kanyang sanity during the lockdown.

“Parang kumbaga, naging saver sa akin na may baby ako ngayon na pandemic kasi kung wala, baka mabaliw ako. Kasi ang hirap ng work ngayon, so parang mabuti na lang meron akong kausap at pinagkaka-abalahan sa bahay.

“Ang saya pa kasi ng baby ko. So, yeah, I enjoy it, yung fatherhood, so much. Pati yung challenges, it’s part of the job. Mahirap siya pero it’s fun. May instant progress naman, meron kaagad na parang reward every day. So, hiyang ako,” dagdag na paliwanag ni JC.

Last February 27 ay nag-celebrate ng kanyang 2nd birthday si River. JC took to Instagram to give tribute to his daughter.

“Sa anak naming komedyante: River. Alam namin na hindi ka pa mulat sa lahat ng mga nangyayari sa mundo ngayon. Nalampasan namin lahat ni Mommy ang hirap nitong nakaraang dalawang taon dahil andyan ka sa buhay namin. Sa bawat ngiti, tawa, sayaw, iyak, at lambing mo, anak, nailayo mo kami posibleng bigat ng pag-iisip. Binabalik mo kami lagi sa isang lugar na alam namin hindi kami mawawala… Ang ngayon. Ikaw na nasa harapan namin. Kapiling ka.”

Humingi rin ng paumanhin si JC sa kanyang anak para sa kanyang mga shortcomings as first-time parents.

JC Santos naging life-saver ang anak sa panahon ng covid-19 pandemic
Zanjoe Marudo, Bela Padilla and JC Santos

“Pasensya na, anak, kung hindi pa kami ganun kagaling sa pag-aalaga sayo. Gaya mo, baby pa rin kami sa pagiging magulang. Bago din ang lahat ng mga nangyayari sa paligid namin. Pero lagi namin susubukan at hindi kami susuko. Pinapangako namin na sa mga susunod na taon ng buhay mo magiging okay din ang lahat. Matututo din kami. Alam mo kung bakit? Dahil ang sarap sarap mong alagaan.

“Mahal na mahal ka namin, Anak. Araw-araw natututo kami kung papano ka namin mamahalin at hindi iyon matutumbasan ng kahit ano,” mensahe niya sa anak.

Samantala, bukod sa Adarna Gang ay kasama rin si JC sa pelikulang 366 na directorial debut at pinagbibidahan din ni Bela Padilla na ipapalabas din sa Vivamax on April 2022.

Previous articleDimples Romana ipinagmalaki ang iniendorsong Santé Barley Max dahil sa kakaibang “power” nito
Next articleDiego Loyzaga at amang si Cesar Montano magsasama sa remake ng ‘Waway’