JC Santos, malakas ang tama kay James Reid?

ADVERTISING

JC Santos, malakas ang tama kay James Reid?

JC Santos & James Reid
JC Santos & James Reid

Ang bilis sumikat ng stage actor na si JC Santos na introducing at third wheel sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre sa “Till I Met You” kahit kasisimula pa lang ng series sa ABS-CBN.

Lumobo na nang halos 30,000 ang followers ni JC sa Instagram na dati ay 1,000 plus lang. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa kanya ngayon.

“Medyo nagugulat talaga ako ngayon sa reaksyon ng fans, pero masaya ako. I’m living the dream,” reaksyon pa niya.

Bilang ‘Ali’ sa “Till I Met You”, kapansin-pansin naman ang lagkit ng mga titig ni JC kay James. Sa mga nakapanonood ng previous episodes ng dalawa saGreece, kitang-kita sa mata ni JC na tila may paghanga siya kay James. Nagiging palaisipan kung bakit ganu’n makatitig si JC kay James. Hindi raw kaya may gusto ito sa ka-partner ni Nadine?

ADVERTISING

May alam kami tungkol sa magiging development ng istorya ng “Till I Met You”, pero ayaw naming maging spoiler. Basta ang ma-aassure lang namin, tiyak na mag-i-enjoy ang LGBT community sa mga susunod na episodes ng “Till I Met You”.

‘Nga pala, dumaan sa series of auditions si JC bago niya nakuha ang role ni Ali sa teleserye. Ito rin ang kauna-unahang big break niya sa TV. Bukod sa pag-arte, magaling na singer at dancer din si JC.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING