JC Santos, humingi ng paumanhin sa mga babaeng nadamay sa isyu ng break-up nila ng ex-girlfriend

ADVERTISING

JC Santos, humingi ng paumanhin sa mga babaeng nadamay sa isyu ng break-up nila ng ex-girlfriend

JC Santos, humingi ng paumanhin sa mga babaeng nadamay sa isyu ng break-up nila ng ex-girlfriend
JC Santos and Ryza Cenon with Direk Sigrid Andrea Bernardo

INAMIN ni JC Santos nang ma-ambush interview namin siya sa opisina ng Viva na nasangkot ang stylist niya sa hiwalayan nila ng kasintahang si Teetin Villanueva.

ADVERTISING

Pero kaagad niyang itinanggi na may namamagitan sa kanila ng kanyang personal stylist.

“Nasangkot po yung stylist ko. Pero medyo malabo yon. Pero ang masasabi ko lang po malas po ang makipagrelasyon sa katrabaho at personal stylist ko po siya.

“Medyo nakakalungkot lang po itong mga nangyayari. Sobra po akong apektado, hanggang ngayon po hindi pa ako maka…” emosyonal na pahayag ni JC.

ADVERTISING

Patuloy pa niya, “Nasa Davao na po siya. Nag-usap na rin po kami na mag-lay low na sa ganitong isyu, wag na lang pag-usapan.

“Nag-try kaming mag-usap, pero hindi po kasi… medyo pareho ng nagkasakitan both sides so…”

Pinaninindigan din ng bida ng Mr. & Mrs. Cruz na ang showbiz career niya ang matinding dahilan ng break-up nila at walang ibang babaeng involved.

“Ang pinakamatinding reason kung bakit kami naghiwalay is my career. Ayoko naman po kasing maging unfair sa kanya, sa lahat ng mga nangyayari lalo na po sa industriya natin. Ang hirap pong maging artista, demanding po sa time.”

JC Santos, humingi ng paumanhin sa mga babaeng nadamay sa isyu ng break-up nila ng ex-girlfriend
JC Santos and Ryza Cenon

Ipinagtataka naman niya na may mga nag-aakusa sa kanya na isang womanizer.

“Womanizer?” nagtataka at natatawa niyang reaksyon. “Siguro nung 19 years old pa ako. Twenty nine na po ako ngayon. I think, career ko po talaga yung dahilan.”

Samantala, humingi din ng paumanhin ang aktor sa ibang mga babaeng nadadamay sa isyu tulad nina Bela Padilla at ng leading lady niya sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz na si Ryza Cenon.

“I’m sorry sa lahat nang na-involve. Pasensya na and wala, eh… it happens,” sey pa niya.

Showing na ang Mr. & Mrs. Cruz sa Jan. 24. The film is under the direction of Sigrid Bernardo.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING