JC de Vera, tinanggihan na ng Siyete kaya napunta sa Dos

ADVERTISING

JC de Vera, tinanggihan na ng Siyete kaya napunta sa Dos

JC de Vera, tinanggihan na ng Siyete kaya napunta sa DosANG TALENT agency raw ni Roselle Monteverde ang nagma-manage ngayon sa showbiz career ni JC de Vera, taliwas sa haka-haka na si Leo Dominguez ang bagong manager matapos nitong umalis sa pangangalaga ni Annabelle Rama.

Ayon sa source, gusto raw sana ni JC na bumalik sa GMA-7, pero tinanggihan daw ang actor ng management kaya nagpunta ito sa ABS-CBN at natanggap naman.

Maganda sana kung naging Kapuso talent muli si JC dahil kulang ng actor ang GMA-7. Lalo’t maugong ang balita na lilipat na rin si Richard Gutierrez na nagtapos na ang kontrata sa GMA-7.

Ang Kapamilya naman daw ay marami nang actor na naghihintay ng project, kaya bago raw mabigyan ng magandang project si JC ay ‘yung mga Kapamilya talent muna ang priority?

ADVERTISING

Anyway, magandang break din kay JC ang maging isang Kapamilya dahil marami nang makakapanood sa kanya, not like nang umalis siya sa GMA-7 at maging isang Kapatid.

Samantala, bulungan ngayon ng ilang press na kaya raw nagdesisyon umalis nang tuluyan si JC de Vera sa TV 5 ay para maiwasan ang pagkikita nila ni Madam Wilma Galvante na balitang isa ngayon sa namamahala ng mga TV project ng TV5.?

‘Di ba si Madam Galvante ang nakaalitan ni JC de Vera noong nasa GMA-7 siya at naging dahilan ng pag-alis niya sa Kapuso Network?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING