JC de Vera, sa kotse na lang natutulog

ADVERTISING

JC de Vera, sa kotse na lang natutulog

JC-de-Vera‘DI PALA inisnub ni JC de Vera ang grand presscon ng So It’s You na movie nila nina Carla Abellana at Tom Rodriquez na idinirek ni Jun Lana under Regal Films.

Ayon kay JC, sobrang hectic ng schedule niya that day. Nasa Batangas siya at nagte-taping ng Moon of Desire with Ellen Adarna.

“Gustuhin ko mang pumunta, ‘di uubra dahil sa layo ng taping namin. Nagkataon pa na lahat ng eksena na kukunan ay kasama ako,” paliwanag ni JC.

Sa sobrang hectic nga ng schedule ni JC ay sa kotse na lang daw siya natutulog.

ADVERTISING

“Monday, Wednesday at Friday ang taping ko ng Legal Wife at Tuesday, Thursday at Saturday naman, taping ng Moon of Desire na parehong sa ABS-CBN. Para ‘di ako ma-late sa dalawang taping, sa kotse na lang ako natutulog,” say pa niya.

Inamin din ni JC na dumaan siya sa matinding depression bago siya kinuha ng ABS-CBN. Akala raw niya, katapusan na ng kanyang showbiz career.

“Kahit sino naman siguro made-depress kung pinagdaanan nila ang nangyari sa akin. Pero hinanda ko na ang sarili ko sa p’wedeng mangyari. Kung hanggang dito na lang ba, wala na akong magagawa.

“Mabuti na lang at nabigyan ako ng isa pang pagkakataon. Nagtiwala sa akin si Tito Leo (Dominquez). Gagawin daw niya ang lahat para maayos ulit ang career ko na tinupad naman ng manager ko.”

Going back sa serye nilang Moon of Desire. Itinanggi ni JC na pinopormahan niya si Meg Imperial dahil nakakahawig ito ng ex-girlfriend na si Danita Paner.

Si Ellen Adarna naman ay super seksi pero ‘di raw siya naa-attract sa kaseksihan ng bagong Pantasya ng Bayan. Nagustuhan daw niya kay Ellen ay personalidad nito.

Inamin din ni JC na sobrang amazed siya sa personalidad ni Carla Abellana kaya ‘di raw niya naiwasan na ma-intimidate sa actress sa shooting ng So It’s You.

Nakita raw niya kay Carla sa kilos at pananalita nito ang pagiging edukada kaya sobrang saya at nakasama niya ito sa pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING