JC de Vera at LJ Reyes, inililihim ang relasyon

JC de Vera at LJ Reyes, inililihim ang relasyon

LJ-Reyes-JC-de-VeraKAHIT MAY namumuong romansa kina JC de Vera at LJ Reyes, tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon. Kaloka, inilililim pa, wala naman silang masasagasaan kung sila na nga. Matagal nang split sina LJ at Paulo Avelino. May KC Concepcion na ngayon ang binatang ama at naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay. Karapatan nilang lumigaya, bakit kailangan pang itago?

Kung career nina JC at LJ ang pag-uusapan, hindi sagabal ang kanilang relationship. Wala naman silang image na dapat protektahan dahil hindi na naman sila mga teenstars. Special friend kung i-describe ng actor ang dalagang ina. They go out dating but not that serious, ayon kay JC. Baka nasa period of getting to know each other pa lang ang kanilang special friendship. Their both enjoy whatever relationship they have right now. Bigyan natin sila ng privacy and eventually aamin din sila kapag nag-level-up na ang kanilang relationship.

Hindi kaya may kinalaman si Leo Dominguez na manager nina JC at LJ kaya’t hindi naging open ang kanilang relationship. Hide muna sila sa bato hanggang wala pang go signal ang kanilang manager. Palihim muna silang magkita para walang matang nakamasid sa kanilang dalawa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield