JC de Vera, game kahit anong ipagawa ng direktor

ADVERTISING

JC de Vera, game kahit anong ipagawa ng direktor

JC de Vera
JC de Vera

Walang keber si JC de Vera kung sakaling magpakita man siya sa ng kanyang hubad na katawan kung kinakailangan. In short ipakikita niya ang nakatago na ayaw ipakita ng ibang hunk stars natin. As long as needed sa eksena, walang karate-arte ang aktor who won as Best Actor kamakailan sa QCinema Film Festival na paandar ng QC Government sa pelikulang “Best Partee Ever”. Nagpista ang kababaihan, lalo na ang bekis na supporters at faney ng aktor dahil sa kanyang mga eksena.

Kaya nga nang gawin niya ang pelikulang “Tisay”, tinangap niya kaagad na hindi na nagtanong kung ano ang delicate scenes ang gagawin niya para hindi siya maging alanganin sa ipagagawa sa kanya ng direktor.

Hindi alam ni JC na may butt exposure siya sa love scene nila ni Nathalie Hart sa pelikula nang tanggapin niya ang project.

Sa love scene nila ng sexy actress, walang takip diumano sa pagitan ng dalawang hubad nilang katawan, na ayon kay Nathalie, si JC pa ang medyo diyahe sa pagiging prangka ng kanyang leading lady.

ADVERTISING

Sa movie isang basketball player si JC na masasangkot kay Nathalie na nangungulekta ng mga taya sa bigtime underground gambling gamit ang larong basketball para pagpustahan.

Sa mga nakapanood na ng pelikula, may “sensual chemistry” ang dalawa sa kanilang eksena, lalo na sa kanilang love scene, na maging ang aktor ay wala nang pakialam kahit paghubarin siya ng direktor.

“As long as it is needed sa movie, ok lang,” sabi nito sa interview.

Nag-premiere noong Monday sa Trinoma ang “Tisay”.

Bukod sa “Tisay”, paghahandaan naman ngayon ni JC ang kanyang bagong teleserye sa Kapamilya Network with Shaina Magdayao, Denise Laurel, at Zanjoe Marudo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING