JC De Vera & Erich Gonzales: A Precious Romantic Start!

ADVERTISING

JC-de-Vera-Erich-GonzalesJC DE VERA
Real Name: John Carlo de Vera
Birthdate: March 10, 1986
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable

ERICH GONZALES
Real Name: Erika Chryselle Gonzales Gancayco
Birthdate: September 20, 1990
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable

THRILLED ANG loyal fans ng EnRich (Enchong-Erich) loveteam dahil balik-tambalan ang dalawa sa pelikulang Once A Princess. Ang adult-drama na ito ay hango sa isang obra ng Precious Hearts Romances. Kung sa past projects nila ay pinatawa at pinakilig nila ang mga fans, this time ay mukhang goal nila ang magpaiyak with a bit of kilig pa rin, of course!
JC De Vera is on the movie too at kung pagbabasehan ang trailer, mukhang may chemistry rin sina JC at Erich, ha? Hindi na kami magtataka kung eventually, bibigyan sila ng serye ng Dos.
Alam natin lahat na may karelasyon ngayon si Erich habang si JC ay kalma raw muna sa romansa. In the future kaya ay may chance ang dalawang Kapamilya stars na ‘to?
Ang compatibility ng Pisces at Virgo can either be good or bad. Planado na ang life plan ng Virgo, habang ang Pisces naman ay nabubuhay sa isang dreamy world. Concrete lahat ng plano ng Virgo at kahit ang mga opinyon niya sa samu’t saring bagay ay hindi na mababago, while ang Pisces ay malawak ang pang-uunawa at hindi ito judgmental.
Ang pagiging perfectionist ng Virgo ay maaaring mapikon sa madalas na pagbabago ng isip at plano ng Pisces. Punung-puno ng romansa sa katawan ang Pisces habang hirap naman sa pag-express ng kanyang feelings physically ang Virgo. Kailangan ng deeper understanding sa dalawang panig para mag-work ang relasyong ito. Parehong sensitive at hindi masyadong nag-a-aspire nang bongga sa life ang dalawang ito. In short, madali silang makuntento.
Madaling mainlab ang babaeng Virgo sa pagiging intelihente ng Pisces. On the other hand, the Pisces man finds a Virgo woman’s maturity impressive. Kung ang lalaking Pisces na ito ang isa sa tipo na walang inuurungan, magiging okay ang kalalabasan ng pagsasama nila ng Virgo. May occassional fights dahil sa kanilang differences, pero magagawan naman ito ng paraan. All they have to do is take a deep breath and think clearly. Pag-ibig ba o pride?
There you have it! Seems like JCRich is a precious loveteam to watch for!

Pares-Pares
By Madam DaminJC De Vera & Erich Gonzales: A Precious Romantic Start!

ADVERTISING