JC De Vera & Carla Abellana: Could It Be You?

Carla-Abellana-JC-de-VeraJC DE VERA
Full Name: John Carlo De Vera
Birthdate: Mach 10, 1986
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

CARLA ABELLANA
Real Name: Carla Angeline Reyes Abellana
Birthdate: June 12, 1986
Zodiac Sign: Gemini
Symbol: The Twins
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Air
Basic Trait: I Think
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday

FOR THE first time ay pinagsama sa big screen sina JC De Vera at Carla Abellana sa pelikulang So It’s You ng Regal Entertainment. Well, panggulo lang naman si JC sa loveteam nina Tom Rodriguez at Carla Abellana rito, pero hindi rin naman maide-deny na may chemistry rin sila, huh!
Recently, nakipag-kalas si Carla sa kanyang long-time boyfriend na si Geoff Eigenmann. Ang huling babaeng na-link naman kay JC De Vera ay si Danita Paner pa and that was more than a year ago pa. Si Tom ay currently in a relationship sa isang singer, so mukhang walang chance for now na maging ‘reel to real’ ang status nila ni Carla. Paano naman kaya ang JC-Carla?
Bukas sa mga bagong ideya at nakikinig sa samu’t saring opinyon ang Pisces at Gemini. Pareho nilang kering mag-adjust at maging flexible kung kinakailangan. Open-minded individuals, ‘ika nga. Isa sa common traits nila na medyo negative ay ang pagiging inconsistent. May pagka-rational sa life decisions ang Gemini, samantalang matatawag na daydreamer itong Pisces.
Madalas na hindi umaabot sa puntong ‘very deep and intimate’ ang kanilang usapan kaya hindi nade-develop ang mga romantic feelings. Matututunan naman ng Gemini na maging sensitive sa feelings ng ibang tao dahil sa Pisces. Mahihirapan sila sa pag-adapt ng viewpoint nila sa buhay dahil madalas na magkasalungat ito. Dapat maging conscious ang dalawa sa pag-exert ng effort to make this relationship work.
Sandamakmak na compromises ang dapat matutunan ng dalawang zodiac kung sakaling pipiliin nilang manatili sa piling ng isa’t isa. Ang pagiging passionate and full of wisdom ng Pisces ang makaaakit kay Gemini, pero sa umpisa lamang ito. Kung mahalungkat ang kanilang magkaibang opinyon ay puwedeng pag-umpisahan ng away. Napaka-prangka ng Gemini sa paglabas ng kanyang hinaing, na p’wedeng ika-overwhelm ng Piscean. Maaaring masaktan ang Pisces sa napakatulis na dila ng Gemini. Kailangan din nila ng konting push kung pagiging physically and verbally sweet ang pag-uusapan.
Naku, mukhang hindi masyadong madali ang journey ng JC-Carla kung sakali, huh? Could it be you…. or not?

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleAnsabeee 05/18/14
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 62 May 16 – 18, 2014

No posts to display