JC de Vera, ayaw na ng girlfriend na taga-showbiz

JC de Vera, ayaw na ng girlfriend na taga-showbiz

JC-de-VeraPARA KAY JC de Vera, hindi raw sagabal sa career ang pakikipag-girlfriend. “Depende naman ‘yon sa inyong dalawa. Time management at dapat meron lang kayong understanding para hindi kayo magkaproblema. Importante rin na meron kayong constant communication,” sey pa niya.

Sasabak na rin sa live performance si JC dahil kasama siya nina Matteo Guidicelli at Daniel Matsunaga sa Dreamboys concert na gagawin sa July sa Music Museum.

Matipid naman ang reaksyon niya sa isyung break na sila ni LJ Reyes. “Actually, we were working on things talaga at ilang beses din kaming lumabas. Pero siyempre, merong mga bagay na kailangang i-prioritize talaga kaya hindi natuloy,” paliwanag ng aktor.

Inamin din ni JC na nakikipag-date siya ngayon sa isang non-showbiz girl pero wala pa raw silang relasyon. Hangga’t maaari, ayaw na rin daw niya ng girlfriend from showbiz. “Mas maganda kasi ‘yung mas private na eh,” katwiran pa niya.

 

La Boka
by Leo Bukas